^

PSN Showbiz

Nakaka-turn off ang hairstyle: Gabby parang wig ang buhok!

- SEEN SCENE -

SEEN : Si Isabel Oli sa Showbiz Central noong Linggo. Inuna ni Isabel ang pagpapa-cute. Maraming isyu ang hindi niya na-address, ang pagiging bilmoko girl at ang plano na pagpapakasal nila ni Paolo Contis.

SCENE : Ang sagot ng editor-in-chief ng tabloid na idedemanda ni Jennylyn Mercado na inilabas nila ang mga litrato ng binyag ng aktres dahil public figure ito at nasa simbahan sila na isang public place.

SEEN : Dapat bisitahin ng OMB ang Pedro Gil St. sa Maynila dahil sa mahabang hanay ng mga nagtitinda ng mga pirated DVDs. Lantaran ang pagbebenta sa Pedro Gil St. ng mga illegal copies ng pelikula.

SCENE : May mga pirated copies na ang Status: Single ni Rufa Mae Quinto. Walang report tungkol sa box-office gross ng Single na apektado ng mga pirated DVD copies na ipinagbibili sa murang halaga.

SEEN : Nakaka-turn off ang hairstyle ni Gabby Concepcion nang magpakita ito sa induction ng mga bagong officer ng Philippine Movie Press Club dahil mistulang wig ang kanyang buhok.

Hindi nagkakalayo ang hairstyle nila ni convicted Calauan Mayor Antonio Sanchez.

SCENE : Ang music video ng You Changed My Life In A Moment, ang bagong pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Kita sa music video na may hair problem din si John Lloyd.

SEEN : Ang kuwelang production number nina Dennis Trillo, Marvin Agustin at Gerald Santos sa SOP noong Linggo. Bigay na bigay sila sa pagkanta at pagsayaw. Puwedeng i-build up ang kanilang grupo.

SCENE : Hinihintay ng mga fans ni Susan Roces ang deklarasyon ni Grace Poe-Llamanzares ng pagkandidato nito bilang senador sa 2010. Si Grace ang anak ni Susan at ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr.

SEEN : Ang reminder ni Donna Villa sa mga reporters na kung isusulat ang asawang si Carlo J. Caparas, huwag daw kalimutang ilagay ang ‘TV King’ title ng kanyang kabiyak.

vuukle comment

CALAUAN MAYOR ANTONIO SANCHEZ

CARLO J

DENNIS TRILLO

DONNA VILLA

FERNANDO POE

GABBY CONCEPCION

GERALD SANTOS

GRACE POE-LLAMANZARES

PEDRO GIL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with