^

PSN Showbiz

Fans nagtatalo... Anne at Angelica may mas angat?

- Veronica R. Samio -

Matapos ang ilang panahon na hindi ko napanood ang Shall We Dance ng TV5 hosted by Lucy Torres-Gomez dahil akala ko, hindi na ballroom at ibang klaseng sayaw na ang isinasayaw ng mga artista dito at inagahan din ang oras nito, bukod pa na kalimita’y pauwi pa lamang ako mula sa pagsisimba, kung kaya noong isang gabi ay nagulat pa ako nang mapanood ko ang pre-final episode nito na nagtatampok kina Chokoleit, Joseph Bitangcol at Jordan Herrera.

Hindi ko ito nasimulan kaya akala ko’y nalipat na ito ng araw which is more convenient to me sana. Until I turned on my TV set last Sunday at inabot ko pa ang mga performances nina Joseph at Chokoleit. Sayang na-miss ko yung first dance ni Jordan and partner.

Maganda yung choreography ng paso doble na sumayaw sina Joseph. Alam mo agad na mananalo siya. Parang staccato yung sayaw ni Chokoleit at hin­di naman impressive yung choreography kina Jordan na talaga namang kinabibiliban ko dahil bukod sa pag-arte ay marami rin itong talents.

Nakita ko na siyang kumanta, nag-boxing at ngayon, nagsasa­yaw naman siya. Ang ma­gan­da pa, nagi-excel naman siya sa mga gi­na­gawa niya. To think na nagsimula la­mang siya sa pagbu-bold.

Naisip ko, aside from Chokoleit na kung hindi man visible lately sa mga palabas ng ABS-CBN, meron itong gigs sa mga sing-along bars hindi tulad nina Jordan at Joseph na kaka­unti ang mga acting assign­ments.

Sabi ni Jordan, kakaririn na niya ang pagsasayaw. Good! Pwede pa siyang yumaman dito. Yung tipo niyang artistahin ang gusto ng mga may edad na, at maski na yung mga bata pa, sa kanilang mga D.I. (dan­ce instructor). Yes, kung seser­yosohin niya, he’ll be very much in demand na dance instruc­tor. Joseph can follow suit although may mga nakukuha pa siyang ilang assignments sa TV, kundi man sa pelikula.

At sana yung mga susunod pang episodes ng Shall We Dance will feature ballroom dancing na marami ang nanonood kumpara sa mga hip hop.

Dito ito unang nakilala at dito unang nagkapa­ngalan si Lucy Torres-Gomez as a good host who can dance. Ang tagal naghanap ng TV ng isang host na sumasayaw matapos mag-bow out nina Charlene Gonzales at umalis ni Dayanara Torres.

Magaling din sana si G Toengi pero sa US na ang concentration niya.      

Dating banner show ng ABC 5 ang Shall We Dance The Celebrity Dance Edition, pwede rin itong maging banner show ng TV5, kung hindi pa ito ang nangunguna nilang show sa ngayon.

* * *

Ayaw talagang paawat ng ABS-CBN sa pagbibigay ng magagan­dang serye para sa kanilang manonood. Isa na namang inspiring na teleserye ang nagsimula kahapon, Pebrero 2 sa Primetime Bida na pinagbibidahan ng napaka-cute na si Zaijian Jaranilla, ang May Bukas Pa.

Sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin, isang listahan ng mga bigatin at de kalibreng artista ang susuporta sa kanya. Ilan na rito sina Dina Bonnevie, Albert Martinez, Jaime Fabregas, Tony Mabesa, Precious Lara Quigaman, Lito Pimentel, Dominic Ochoa, Victor Basa, David Chua, Ruben Gonzaga, Desiree del Valle, Arlene Muhlach, Rayver Cruz, Maja Salvador at Tonton Gutierrez.

Makakaya kaya nilang itulak tungo sa pagiging isang malaking bituin si Zaijian? Pakatandaan natin na bagama’t marami tayong mga child stars na mahuhusay at kilala na rin, wala ni isa man sa kanila ngayon ang posibleng marating ang naabot nina Niño Muhlach at Aiza Seguerra. Kay Zaijian, may pag-asa pa tayo.

* * *

Mas dumarami pa ang magagandang babae sa Mandaluyong City. Patunay ito sa walang kahirap-hirap na paghahanap ni Mandaluyong first lady Menchie Abalos ng mga lalahok sa 10 taon nang ginaganap na Miss Mandaluyong, isang annual search for brains and beauties na sa taong ito ay magsisilbing highlight ng week-long celebration ng 64th liberation ng Mandaluyong at 15th cityhood anniversary nito sa February 9.

Thirty two girls representing all the barangays in Mandaluyong with ages ranging from 17 to 25 are vying for the title and some special awards like best in gown, swimsuit, talent, miss friendship, photogenic, darling of the crowd and the people choice award sa pamamagitan ng online voting sa www.getzmo.com sa isang bonggang seremonya na magaganap sa Pebrero 9 sa city gymnasium.

Ang Mandaluyong City ang tanging lungsod na nagbibigay ng full scholarship sa lahat ng nananalo sa pageant. Lahat din ng barangay na sasali ay may cash incentives at maging ang mga talent managers ng mga mananalong kandidato.

Oh ’di ba bongga? Kung purita ka, pero beauty, bakit ka hindi sasali eh makakasiguro ka ng isang magandang edukasyon?

* * *

Mayro’ng namumuong tensyon sa mga kampo nina Anne Curtis at Angelica Panganiban simula nang maging endorsers sila ng Swatch watches. Ayaw kasing pumayag ng kani-kanilang kampo na even ang dalawa pagdating sa ganda. Siyempre para sa kanila, mas maganda, mas sexy, mas sikat ang isa kesa sa isa. Ayaw mang makigulo ang dalawang aktres, sooner or later, masasali rin sila.

Sa press presentation ng Swatch sa kanila na ginanap sa Annabel’s, dumating na bihis na bihis ang dalawa, suot ang parehong kulay na damit at parehong Original Skin style ng Swatch. Pero malaking pagkakaiba ang nakita ng mga bisita sa ginawa nilang pagharap sa media at pagsagot sa napakarami nilang katanungan.

Kung sino man ang nag-shine at sino ang hindi ay ang mga naka-attend lamang ang makakahula.

AIZA SEGUERRA

ALBERT MARTINEZ

ANG MANDALUYONG CITY

ANGELICA PANGANIBAN

AYAW

CHOKOLEIT

MANDALUYONG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with