Mark ibinubuyo kay Sarah
Hindi ako nagulat nang aminin ni Mark Herras sa mga reporter na naging dyowa niya si Rhian Ramos at tumagal din ng apat na buwan ang kanilang relasyon.
Honest na bata si Mark. Hindi siya marunong magsinungaling. Ano ang mapapala niya kung magdi-deny siya eh totoo naman na sila ni Rhian ang may relasyon bago pumasok sa eksena si JC De Vera?
Kapalaran na yata ni Mark ang maugnay sa mga girls na may letter N ang name. Nandiyan pa sina Jennylyn Mercado, Lian Paz at Pauleen Luna.
Kung maghahanap si Mark ng bagong liligawan, sasabihin ko sa kanya na iwasan muna niya ang mga babae na may letrang N ang pangalan. I-try niya ang girl na may letter S at H ang first name. For example, Sarah Geronimo!
Halata ba na talagang ibinubuyo ko si Mark na ligawan ang aking favorite singer-actress? Nakatitiyak si Sarah na magiging loyal sa kanya si Mark dahil faithful lover ito.
* * *
Ewan ko lang kung aaminin ni Rhian na naging sila ni Mark dahil ang lalaki ang unang umamin.
Kung magdi-deny si Rhian, magmumukhang sinungaling si Mark at sisiguraduhin ko na hindi siya magdi-deny or else, ako ang magagalit dahil alam ko ang buong katotohanan.
Knows ko na walang formal break-up sina Mark at Rhian. Kung totoo na hindi sila nagpapansinan kapag nagkikita? Sila na lang ang tanungin ninyo dahil ayokong magsinungaling sa mga dear readers ng PSN.
* * *
Hindi ko ikinagulat ang balita na may relasyon sina Rhian at JC. I’m sure, na-develop ang feelings nila dahil maghapon at magdamag sila na magkasama sa taping ng Lalola.
Palaging nakikita na holding hands sina JC at Rhian. Para mag-holding hands ang dalawang tao, more than friends ang kanilang relasyon.
* * *
Nanghinayang ako dahil hindi ako nakasipot sa presscon ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.
‘Yun sana ang rare chance na nagkita kami ng mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas na over ang pagiging generous.
Hindi nauubusan ng suwerte ang mag-asawa dahil marunong sila na mag-share ng mga blessings.
Kita n’yo naman, dead na ang komiks industry pero pinakikinabangan pa rin ni Papa Carlo ang mga nobela niya sa komiks.
Ang GMA 7 at ABS-CBN ang mga buyer ng mga nobela ni Papa Carlo na ginagawa nila na TV series.
Kung gugustuhin ni Papa Carlo, puwedeng-puwede na siya ang magdirek ng mga kuwento niya na nagiging TV series pero bakit pa siya magpapagod kung sitting pretty siya at tanggap na lang ng tanggap ng bunga ng kanyang mga pinaghirapan?
Ang Kahit Ako’y Lupa ang isa sa mga paboritong nobela ni Carlo. Naging pelikula ang Kahit Ako’y Lupa at alam na alam ko ito dahil si Rudy Fernandez ang bida.
Type ni Papa Carlo na magkaroon iyon ng remake pero ang kanyang anak na si CJ ang gusto niya na maging bida.
Isa lang ang problema, hindi type ni CJ na maging artista. Mas gusto niya na makatapos ng pag-aaral, maging abogado at pasukin ang pulitika. Namana ni CJ ang hilig sa pulitika sa mother side dahil mga pulitiko ang kamag-anak ni Mama Donna.
* * *
Naglagare si Paolo Contis sa presscon ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at sa taping ng My Dad is Better Than Your Dad.
Hindi na naka-join si Paolo sa question and answer portion dahil kailangan siya sa kabilang studio.
Dalawang episode ng My Dad is Better Than Your Dad ang binuno ni Paolo. Madaling-araw na natapos ang taping kaya hindi na nakabalik si Paolo sa presscon ng Hinugot. Ganyan siya ka-busy kaya bawal ang mga dalaw sa taping ng bagong game show ng Kapuso network.
- Latest