^

PSN Showbiz

Parangal kay Atang Dela Rama sa L&S

-

Noong Mayo 8, 1987 ay pinroklamang National Artist ni Pres. Corazon Aquino si Honorata ‘Atang’ dela Rama dahil sa kanyang debosyon sa teatro at musikang Pilipino, kakaibang talento bilang singer, zarzuela actress/playwright/producer at ang pagsisikap na ihatid sa iba’t ibang sangay ng Pinoy society at buong mundo ang kanyang kakayahan sa pag-awit at pagganap.

Isinalin sa musical play ang buhay ng Reyna ng Zarzuela sa direksyon ni Floy Quintos na ang gaganap na Donya Atang ay ang international stage, concert and recording artist na si Ayen Munji-Laurel.

Sa Linggo, alas-diyes hanggang alas-onse nang umaga’y itatampok si Ayen sa QTV-11 sa programang Life and Style with Ricky Reyes at pag-uusapan nila ng host-producer na si Mother Ricky ang buhay, pag-ibig at karir ng maybahay ng isa ring National Artist for Literature na si Amado Hernandez. Irarampa ni Ayen ang mga kasuotang ginamit ng kanyang idolo sa entablado na muling binuhay ni Erik Pineda ang disenyo, masasayang kulay at garbo. (Nasa larawan sina Pineda, Reyes at Ayen.)

Ipi-feature din ang selebrasyon ng ika-90 kaarawan ng ina ni Mother Ricky na si Donya Amada Reyes ngayong Linggo sa Sosyalan Blues at sa Great Hair Day ay isang tinedyer na kamakaila’y naging beauty queen ang gagawan ng make over.

AMADO HERNANDEZ

AYEN MUNJI-LAUREL

CORAZON AQUINO

DONYA AMADA REYES

DONYA ATANG

ERIK PINEDA

FLOY QUINTOS

GREAT HAIR DAY

MOTHER RICKY

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with