^

PSN Showbiz

Pokwang 10 years nang walang sex

- Veronica R. Samio -

Big time na talaga si Pokwang! Iginawa siya ng album ng Star Records. Ngayon, meron na siyang album na lalagyan niya ng autograph, ’di gaya ng dati na nakikipirma lamang siya sa album ng may album.

“Isang matagal nang pangarap ito at hindi ito magka­karon ng katuparan kung hindi ko pinag­sikapan. Hindi naman ito mangyayari kung hindi tala­ga ako tumigil ng kapaparinig sa mga bossing ng Star Records. Biruin n’yo kahit saang parte ng ABS-CBN, kapag nakikita ko sina bossing Nixon Sy at Annabelle Regalado-Borja ay nagbo-vocalization ako sa harap nila kaya naloka sila. Nakulili yata ang tenga, ayun, iginawa ako ng album na hindi n’yo lamang kalulugdan dahil maiiyak kayo sa katatawa, pampatanggal din ng stress,” may pagmamalaking nasambit ng komedyana na ang anim na awiting nakapaloob sa kanyang album ay may kinalaman sa kanyang buhay.

Yung paborito niya sa anim, ang tina-Tagalog na bersyon ng When You Tell Me That You Love Me, ang ’Pag Na-In Love Ka na sa Akin ay handog niya sa isang darating na pag-ibig.

“Lagi na lamang akong bigo sa pag-ibig. Ten years na akong sexless. Dati makulay ang lovelife ko, nang magtagal naging purple na lang, paano bugbugan na lang ng bugbugan,” imporma niya.

Ang iba panag tracks ay ang Sana Kunin Ka na ni Lord ni Christian Martinez, Bonggacious nina Christian Martinez at Roque Rox Santos, Bahoo ni Edwin Marollano, Gaya Gaya Puto Maya ni Christian Martinez uli at Bratatat ni Lito Camo. May bonus track na Hai.

“Nangarap na rin lang ako kaya tinaasan ko na. Sino naman ang mag-aakalang matutupad ito kaya sa susunod ang pagsusumikapan ko naman ay ang pagkakaro’n ng concert, yung solo dahil sa Pebrero 7, meron naman ako sa Crowne Plaza pero kasama sina Vernie Varga at Pops Fernandez, prodyus ito ni Annabelle Rama,” sabi ng bagong recording artist.

Natutuwa si Pokwang at binigyan din daw siya ng pagkakataon na makapamili ng kanyang mga awitin sa album.

“Yung concept ng cover, inspired ng Titanic, parang ako si Rose dito na may heart of the ocean pero puso ng saging ang inilagay,” dagdag imporma pa niya.

Ano ang masasabi niya na isa na siyang diva?

Sey niya, “Masaya kahit diva-diva-han lang. At least meron na akong album na maipagmamalaki at totoo ito hindi ilusyon.”

* * *

Nakita na natin ang character ni Jericho Rosales sa I Luv Betty La Fea. Isa siyang richie boy na may nanlalabong paningin which will make it easy for Betty (Bea Alonzo) na mapa-ibig and which will give her fans the hope na magkaro’n ito ng bagong pag-ibig bukod kay Armando (John Lloyd Cruz).

Maganda yung encounter ng dalawa, may kilig at nagbibigay ng bagong pananaw sa isang nagiging predictable nang romance between Armando (John Lloyd) and Betty.

Mas may kilig kasi yung magiging romansa ng isang halos hindi na makakitang lalaki at isang pangit na babae, ’di ba?

Hintayin na lamang natin ang pagsabog ng isang Pops Fernandez sa character ni Bea. At ni Karylle. 

* * *

Ang ganda ng simula ng Tayong Dalawa nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca. Tinututukan talaga ng mga manonood dahil magaling ang pagbibitin ng mga episodes. Ang bilis din ng pacing, hindi ka maiinip dahil mabilis ang pagdating ng mga characters ng tatlo.

Ang ganda rin ng pasok ng mga award-winning actors na nagbibigay suporta sa tatlong major stars, lalong napaningning ang kanilang mga roles ng mga support cast. Makabagbag damdamin yung eksena ni Kim na ipinatatapon sa Cebu ng kanyang ama (Spanky Manikan).

* * *

Patutunayan ng former Star In a Million champion at ngayo’y Singing Bee mainstay na si Frenchie Dy na nakakaarte rin siya. Ngayong Sabado paha­hangain nila tayo ni Janus del Prado sa kanilang pagganap ng isang horizontally-challenged woman and the love of her life, respectively.

Palagi nating napapanood na kumakanta si Frenchie pero ngayon, papatunayan niya sa Maalaala Mo Kaya na bukod sa galing sa pagkanta, may natatangi rin siyang galing sa pag-arte, sa direksyon ni Mae Cruz.

ALBUM

ANNABELLE RAMA

ANNABELLE REGALADO-BORJA

CHRISTIAN MARTINEZ

NIYA

POPS FERNANDEZ

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with