^

PSN Showbiz

Rufa Mae gusto munang magkaanak

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ibinalita ng Primedia (TV5) na ang kanilang CEO na si Christopher Sy ay aalis na sa kanilang kumpanya pagkatapos ng suitable period of transition.

However, he will remain with the company thereafter on a consultancy basis.

According to Mr. Sy: “ I am very proud of TV5.  From our first week of operations, TV5 has been ranked number 3 in the ratings game. There is also steady increase in all-day viewership and its morning belt is consistently at double-digit share levels. I am very fortunate and thankful for being given the opportunity to be a part of this.”

“The TV5 team with Mr. Sy at the helm has posted noteworthy achievements since launch with strong positive momentum going into 2009.

“Primedia through its Marketing Communications head, Pat Marcelo-Magbanua, reiterated the company’s commitment to continue investing on TV5. “We will continue to provide our viewers bigger and bolder programs to give Filipinos more choices in entertainment. Primedia through its various departments are already geared up for the rest of the year’s challenges,” sabi sa e-mail ng TV5.

Sa kasalukuyan, ang TV5 umano ang nasa highest level sa morning block with close to 25% audience shares and is at close fight sa higanteng network ABS-CBN and GMA with both having 26.07% and 27.2% audience shares, respectively, ayon pa sa kanilang statement. At ang total day viewership ay ’di hamak umanong mas mataas kesa sa QTV 11, CS9, and Studio 23, as in talbog ang ibang channel na matagal-tagal na rin sa ere.

Pero teka, ano na bang nangyari sa demanda ng GMA 7 sa TV5? Matatandaang kinasuhan ng GMA 7 ang Primedia dahil illegal umano na mamuhunan sa bansa ang mga dayuhang negosyante. Malaysian ang sinasabing major investor ng Primedia, (TV5) ka-partner ang dyowa ni Gretchen Barretto na si Tony Boy Cojuangco.

* * *

Mukhang humaba ang kuwento kay Dyan Castillejo at sa interview niya kay Manny ‘Pacman’ Pacquiao. Naunang nag-deny ang ABS-CBN at sinabing 35 minutes lang ang nasabing interview ng sports­caster sa boxing champion sa victory party nito sa bahay ni Chavit Singson. Pero kinontra yun ng marami partikular na si Ms. Redgie Magno, GMA 7 executive dahil marami raw siyang witness na magpapatunay na inabot ng tatlong oras ang nasabing interview. Pero kahapon, may sagot na naman ang ABS-CBN. Read ninyo:

“Pinaninindigan ng ABS-CBN ang nauna nitong pahayag na 35 minuto lamang ang itinagal ng panayam ni senior sports correspondent Dyan Castillejo kay Manny Pacquiao sa isang pagdiriwang na ginawa kamakailan lang.

“Sa katunayan, dalawang oras naghintay ang grupo ni Dyan para sa kanilang pagkakataong makausap ang boksingero. Imbitado rin si Dyan sa nasabing handaan at ginanap ang panayam nang may permiso ni Pacquiao.

“Ang pagtawag kay Dyan na sinungaling ng isang opisyal ng TV network ay hindi katanggap-tanggap, lalo na’t hindi pamamaraan ng ABS-CBN ang magkalat sa press ng mga inimbentong detalyeng lumilihis sa tunay na pangyayari.

“Sa kabila ng hayagang paninira sa kaniya, tuloy pa rin si Dyan sa paghahatid ng makabuluhang balita sa sambayanang Pilipino. Kabilang dito ang bawat laban at tagumpay ni Pacquiao, na siyang tumatayong inspirasyon sa ating mga kababayan.

“Lubos ang aming pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa aming mga programa sa news and current affairs.”

 Hmmm. Siguradong may sagot dito si Ms. Redgie.

* * *

Confused na ang marami kung paano na ia-address si Rustom, ay si BB Gandanghari nga pala. He or She. Kasi legally, lalaki naman siya, pero ’pag nakita mo at narinig magsalita, babae naman.

* * *

 “Virgin ako rito, pero may nakaka-date ako na iba’t ibang klaseng lalaki sa paghahanap kay Mr. Right,” sabi ni Rufa Mae Quinto tungkol sa pelikula niyang Status: Single. Pero sa pelikula lang ang pagiging virgin niya siyempre. Ang pareho lang, lumalabas siya ngayon, nakikipag-date para makita na ang matagal na niyang hinahanap na si Mr. Right. (Pero teka, kelan nga ba na-devirginize si Rufa Mae? Though alam naman ng lahat kung sino ang ‘nakauna’ sa kanya. Act­ually, kung mapapanood mo sa trailer ng Single, in fairness, parang na-justify niya ang pagiging virgin.)

Lumalabas siya pero ingat na ingat dahil pag-aasawa na ang gusto niyang atupagin ngayon. Pero sumagi na rin sa isip niya na kung hindi agad siya makakita ng lalaking mapapangasawa, uunahin na lang muna niya ang magkaanak. (Why not, pu­wede naman siyang magkaanak muna.)

Yup, sinasabi naman niya na gusto na niyang mag-asawa. Pero as of yes­terday, wala pa ring dumarating na napi-feel niyang makakasama niya sa habang-buhay. So ang status pa rin niya hanggang ngayon, single kaya pasok pa rin sa pelikula niya.

Anyway, ginagawa talagang lahat ni Rufa Mae para kumita ang pelikula niya.

Bukod sa pagiging artista, produ rin siya kasi nito kaya ang sipag niya talaga. Sabi nga ni direk Jose Javier Reyes, ilang araw na walang tulog sa dubbing ang sexy actress.

Ka-join niya rito sina Rafael Rosell, Alfred Vargas, Mark Bautista at ang natsitsismis sa kanyang si Jon Avila, with Paolo Contis. 

DYAN

DYAN CASTILLEJO

MR. RIGHT

MR. SY

NIYA

PACQUIAO

PERO

PRIMEDIA

TV5

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with