Kaya nakipag-break sa bf aktres pinapili ng TV Network boss
Bongga na uli ang career ng actress after maisip na mas importante sa kanya ang career kesa lovelife. Ilang buwan ding na-freeze ng kanyang home studio ang actress, as in, hindi binigyan ng project dahil mas binigyan ng priority ang ex-boyfriend kesa trabaho.
Isang tanong lang ang itinanong ng bossing sa actress, pinapili siya kung boyfriend o career, at career ang pinili nito’t nabo-bore na rin na lagi siyang sa bahay dahil wala ngang trabaho. Tinanggap na rin nitong hindi nakatulong sa kanya ang boyfriend.
Pagkatapos ng meeting na ’yon, nakipag-break na ang actress sa boyfriend at nagsimula na uling gumanda ang kanyang career. May top-rating show siya ngayon at nali-link sa iba’t ibang lalaki na nakakatulong para lalo siyang pag-usapan.
* * *
Dadalaw kami sa taping ng Gagambino at doon namin malalaman kung totoo ang tsikang uso ang isnaban sa set ng teleseryeng bida si Dennis Trillo. Dahil daw doon, nag-issue ng memo na bawal ang miron sa taping na lalong magpapalala sa sitwasyon sa set.
Nag-iisnaban sina Polo Ravales at Krissa Mae at kinumpirma ito ng dalaga sa Showbiz Central, hindi raw sila nagtitinginan at ’di nag-uusap unless nasa script at kailangan sa eksena.
Sobrang galit siguro ng aktor sa dalaga’t “that girl” at hindi sa pangalan niya ito tinatawag. Sabi rin nito, nagdi-date lang silang dalawa dati at baka nag-expect ito ng iba.
Binuweltahan ni Krissa Mae si Polo ng dialogue na “It’s not worth being close to him. He took for granted my kindness and generosity. Hindi maganda ang ipinakita niya sa akin.”
Binuking din ng Fil-Am na kinuha siyang ninang ng dalawang pamangkin ni Polo.
Bukod kina Polo at Krissa Mae, nagdededmahan pa rin daw sina Jean Garcia at Polo kahit matagal nang break at ’di rin nag-uusap sina Jean at Krissa Mae.
Curious tuloy kaming alamin kung iniisnab din ni Jennica Garcia si Polo na ex-boyfriend ng ina? Mabuti na lang, maayos na nakakapag-taping kahit may mga hindi magkabati sa cast.
* * *
Naurong sa February 16, ang pilot ng Sine Novela na Paano Ba ang Mangarap? na balik-tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Dapat January 29, na ito magsisimula, pero inurong dahil kailangan munang tapusin ang umeere ngayong Korean novela.
Pero makakapiling pa rin nina Mark at Jennylyn ang kanilang fans dahil may live chat sila na sponsored ng NMI at mag-o-online lang ang kanilang mga fans at makakausap na ang dalawa. Lahat nang gusto nilang itanong ay nangakong sasagutin ng magkapareha.
Role na ginampanan sa pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang gagampanan nina Mark at Jennylyn sa TV remake ng Paano Ba ang Mangarap at big challenge ito sa dalawa. Ka-triangle nila si Hero Angeles na excited maka-trabaho ang dalawa at maidirek ni Joel Lamangan. Si Aloy Adlawan ang headwriter nito at isa sa mga writers si Dinno Erece.
* * *
Sa Luna Mystika, magpapakita si Celestina (Heart Evangelista) kina Don Joaquin (Dante Rivero), Benita (Chanda Romero), Donita (Iwa Moto) at Alice (Sheryl Cruz) at aawayin siya ng mag-inang Donita at Alice, pero wala silang magagawa’t poproteksyunan si Celestina ng don dahil sagrado ito’t miyembro ng kanilang pamilya.
Samantala, bibigyan ni Alguwas (Hero Angeles) si Celestina ng bagong prutas at kakainin iyon ng dalaga. Nanakawin naman ni Henry (Prince Stefan) ang balahibo ni Libado (Aljur Abrenica) sa bahay ni Malou (Kris Bernal). Sobrang galit pa rin ni Celestina sa kakambal na si Luna at nang makakuha ng tiyempo, itutulak niya ito sa bangin.
- Latest