^

PSN Showbiz

Aktor SL tumitira pa rin ng marijuana

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Hindi personal na kilala ng aking source si Krissa Mae, pero kabisado raw nito ang bawat hibla ng pagkatao ng lalaking naugnay rito, si Polo Ravales.

Kung napanood n’yo ang Startalk noong Sabado ipinaubaya na lang sa mga manonood ang paghuhusga kung sino kina Polo at Krissa ang nagsasabi ng totoo sa isyung may utang umano ang aktor sa baguhang aktres. Ani Polo, hindi raw ang nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa showbiz ang tipo ng uutangan niya, lalo’t dala-dalawa pa raw ang regular na pinagkukunan niya ng ikabubuhay.

Depensa naman ni Krissa, mga maliliit na halaga lang ang inutang noon ni Polo sa kanya, ngunit nang makaramdam na raw siya na tila ginagamit na siya ng aktor sa walang-pakundangan nitong panghihiram ng pera ay dumistansiya na siya.

Habang pinapaksa namin ng aking source ang Startalk feature na ’yon, siya namang pagbibigay nito ng impormasyon. ‘‘Si Polo kasi ang breadwinner sa family niya,’’ sabay kambyo pabalik sa nakaraan, “eh, ano ba’ng nangyari nu’ng time nila ni Jean (Garcia)? Hindi ba’t ang gumagastos naman noon, eh, si Jean?’’

Ayokong isipin na merong ‘callboy syndrome’ si Polo, how pathetic naman kung paniniwalaan si Krissa na hindi raw maubus-ubusan ang aktor ng mga dahilan pagnagigipit sa pera. Lalong ayokong isiping mukhang bakla si Krissa to deserve a ‘milking cow treatment.’

* * *

Although he does not look his age, pero turning half a century na ang still-active former matinee idol na ito. But this piece of news is also half of the story.

At nearly 50, trip pa rin pala ng aktor na ito na gumamit ng marijuana. At a recent party he himself hosted ay naka-jam pa niya ang isa ring kapwa aktor via ‘shotgun’ (eto ’yung kung saan ang nakasinding dulo ng MJ stick ay nasa loob ng bibig ng bumubuga onto his fellow user).

But neither sex nor sound trip ang hanap ng aktor whenever he’s high on it, kundi food trip. And make it over indulgence in anything and everything edible!

Once at a resto/bar in Malate, tamang-tama umeepekto na raw ang tinira niyang damo ay umorder ng pagkain ang aktor. His late-night meal included one big platter of pasta, cup of rice, beef salpicao, thick slice of cake and three scoops of ice cream. Buong akala ng kasama niyang aktor ay shared order ’yon sa rami ng inilapag ng waiter.

‘‘Bro,’’ sey raw ng ex-matinee idol sa kasama, ‘‘order ka na lang ng sa ’yo. ‘‘Sensya ka na, ha, nagugutom na kasi ako, eh.’’

Napamulagat daw ‘yung kasama, dahil bago raw sila umalis ng bahay ay naghapunan na sila nu’ng aktor, na gutom na naman? The actor’s companion, who, was still full, settled for iced tea priced at P50.

Time for bill-out. The actor forked over two one thousand-peso and three one hundred-peso bills, bale P2,300 ’yon. The waiter came back for the change, singkuwenta pesos na lang ’yon na ipinang-tip na lang nila. Yes, halagang P2,200 ang kinain ng aktor to satisfy his food trip!

Da who ang dating matinee idol na itetch na lulong sa maryjane (yes, balitang ‘Jane’ din siya kaya wa pa siya marry)? Isyogo na lang natin siya sa nymsung na Santino Lodorico.

AKTOR

ANI POLO

KRISSA

KRISSA MAE

LANG

LSQUO

POLO RAVALES

RAW

SANTINO LODORICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with