Mas exciting na talakayan sa The Sweet Life!
Sabay sa paglipat sa bagong oras ng The Sweet Life ng Q Channel 11 simula ngayong linggo — 5:00 pm tuwing Lunes, Martes at Biyernes; at 4:50 pm naman tuwing Miyerkules at Huwebes, bago ang American Idol — ang patuloy na pag-init ng mga talakayan sa katangi-tanging guide sa style, fashion, home decorating, entertainment, leisure, travel at marami pang iba.
Sa Lunes, makakasama nina The Sweet Life host Ms. Lucy Torres-Gomez at co-host Wilma Doesnt ang mga bisitang sina Tuesday Vargas at Assunta de Rossi para sa isang napapanahong diskusyon ng mga paraan para makatipid.
Mga child star at kanilang magulang naman ang bibisita sa Martes para sa Wala ka sa Daddy/Mommy Ko episode na tungkol sa tamang pagpapalaki ng mga anak.
Sina TJ Trinidad, Victor Aliwalas, Paolo Paraiso, Bb. Pilipinas-Universe Jennifer Barrientos, at Bb. Pilipinas-International Patricia Fernandez naman ang bibida sa ‘What We Really Mean When We Say A Thing episode ngayong Miyerkules.
Araw naman ng Camera Café sa Huwebes, January 22 at tampok dito ang mga cast member nito na sina Epi Quizon, Joy Viado, Patricia Ishmael, Vince de Jesus, Noel Colet at Gerard Acao.
Chinese New Year/Lion Dance naman sa Biyernes! Pagluluto ng authentic Chinese food, feng shui para sa pera at pag-ibig, at mga masuwerteng mga alaga para sa 2009 ang ilan lamang sa tatalakayin.
- Latest