^

PSN Showbiz

RR gagawa ng musical para sa ina

- Veronica R. Samio -

Kaya pala ng hair guru na si Ricky Reyes, mas kilala sa tawag na Mother Ricky, ang magprodyus ng isang magandang musical na katulad bilang selebrasyon ng ika-90th birthday ng kanyang ina na si Gng. Amada Tianes Enriquez Zabarte whom he fondly calls ‘sister’ and she calls him ‘mother’ in return.

Pinamagatang Ada, the Musical, ang 58-minutong programa ay nagtampok sa magaling na si Ayen Munji Laurel sa role ni Ada, ang ina ni Mother Ricky, simula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan.

Si Paolo Ballesteros naman ang gumanap bilang young Ricky Reyes. Kasama rin sa programa na dinirek ni Floy Quintos at musical director naman si Danny Tan, ang La Diva na binubuo nina Jonalyn Viray, Maricris Garcia at Aicelle Santos, Jan Nieto, Gian Magdangal, Gerald Santos, UP Concert Chorus at ang napakagaling na narrator na nakalimu­tan ko ang pangalan.

Ang gaganda ng mga piniling awitin na uso noong panahon ng may kaarawan. Lahat ay naka-relate at makikitang sinusundan ang titik ng mga awitin. Pati ang mga babaeng miyembro ng pamilya Reyes na nakasama sa palabas ay maganda ang performance. At kung tutuusin walang artista sa kanila. Si Mother Ricky lamang ang lumalabas na ‘artista’ sa pamilya.

Bagamat ang palabas ay hindi lahat maiintindihan ng may kaarawan dahilan sa edad nito, hindi ito naging dahilan para hindi ito magkaro’n ng kagana­pan na buong lugod na pinanood ng lahat ng kapatid ni Mother Ricky, 10 silang lahat, na umuwi ng Pilipinas kasama ang kanilang mga pamilya para makasama ang kanilang ina sa kaarawan nito.

Samantala, kasalukuyan nang naghahanda si Mother Ricky, kasama ang Fil-Hair Coop, ang pina­mumunuan niyang asosasyon ng mga hairdressers sa bansa at kasalukuyang nagdiriwang ng kanilang ika-25th year, para mailagay ang Pilipinas sa isang bagong Guinness World Records. Magaganap ito sa Mayo 19, 2009. Susubukan nilang makamit ang Guinness World Records para sa pinakamabilis na paggugupit ng buhok sa mundo, at ang pinakamaraming bilang ng gupit sa iisang lugar sa loob ng walong oras.

Isang regional search ang isasagawa upang tipunin ang mga 300-400 hairdressers sa makasay­sayang kaganapang ito, na magbibigay ng mga kapana-panabik na papremyo para sa mga kalahok sa nasabing event.

Gaganapin ang preliminary competitions sa General Santos City (February 18); Zamboanga City (February 25); Davao City (February 28); Cagayan de Oro City (March 5); Tacloban City (Mar. 7); Cebu City (March 9); Iloilo City (March 10); Baguio City (March 13); La Union (March 14); Dagupan (March 15); Tuguegarao (March 18); Tarlac (March 20); Pampanga (March 23); Malolos (March 24); Lucena City (April 21); Naga City (April 23); Calamba (April 27); Antipolo (April 29); CaMaNaVa (April 30); at Muntinlupa (May 4).

Para sa mga detalye, tawagan si Lito Pantig sa 726-8218 o si Bong Soriano sa 0917-4628128.

ADA

AICELLE SANTOS

AMADA TIANES ENRIQUEZ ZABARTE

AYEN MUNJI LAUREL

BAGUIO CITY

CITY

GUINNESS WORLD RECORDS

MOTHER RICKY

RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with