^

PSN Showbiz

GMA 7 umaming apektado ng krisis nag-cost cutting

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

“Sinungaling siya (referring to Dyan Castillejo),” sagot ng GMA 7 executive na si Ms. Redgie Magno tungkol sa inilabas na statement ng ABS-CBN kahapon sa ginawang interview ni Dyan kay Manny Pacquiao sa victory party nito sa bahay ni Gov. Chavit Singson kamakailan.

“Maraming makakapagpatunay na hindi 35 minutes ang interview niya. Pagdating namin sa party, lahat nagre-reklamo na sa tagal sa room ni Pacquiao dahil sa interview.

“’Yung iba dun, galing pa sa probinsiya. Nagpunta lang sila para sa victory party. Hindi naman daw nila makita si Pacquiao dahil nasa loob nga ng kuwarto. Kinailangan pa nilang pumasok sa loob para makita siya (Pacman),” tuloy na sagot ni Ms. Redgie kahapon sa isang tsikahan na incidental lang na hiningan siya ng reaksyon dahil nalusutan nga raw sila ni Dyan.

Dagdag pa ni Ms. Redgie, maraming puwedeng magsabi dahil nandun sina Annabelle Rama, Jomari Yllana, Eddie Gutierrez, Carlo J. Caparas, Celia Rodriguez, Teri Onor at marami pang iba na magsasabing hindi 35 minutes ang interview ng beteranang sports correspondent ng ABS-CBN.

Nabanggit kasi sa statement na lumabas dito kahapon na hindi totoong tatlong oras ang nasabing interview ni Pacman kay Dyan kaya napilitang mag-react ang may alam ng kuwento na si Ms. Redgie na ‘bantay’ kay Pacman.

Actually, ‘yun lang namang issue sa oras ang naging big deal dahil nga bakit daw kailangan pang sabihin ni Dyan na 35 minutes samantalang alam ng lahat sa nasabing victory party na inabot ng tatlong oras ang interview niya.

Dagdag naman ni Ms. Wilma Galvante na masyadong mabait si Pacman at hindi uso sa boksingero ang salitang ‘hindi.’ Kaya nang kausapin niya raw ito, sumagot na dapat sila (GMA 7) people ang nagsasabi ng hindi para sa kanya. Pero hindi na raw ‘yun big deal sa kanila pero dapat may proper decorom at dapat alam nila na party ‘yun say pa ng bise presidente for entertainment ng GMA 7.

* * *

Actually, hindi naman tungkol kay Pacman at Dyan ang nasabing tsikahan portion ng mga executives ng GMA headed by Ms. Galvante kundi para sa kanilang mga bagong programa sa Kapuso Network. 

Sa pagpasok ng bagong taon, nakahanay na ang mga piling-piling programa nila dahil apektado sila ng krisis sa ekonomiya.

Aminado naman si Ms. Galvante na apektado sila noon pang last quarter of 2008. ‘Yun daw ini-expect nilang maraming ad noong December ay matumal. Kaya may kaunti silang cost cutting.

Kaya lahat daw ng programa nila ngayon ay tina-traffic at sinisigurong magri-rate.

Kasama sa mga programang pinag-isipan nila ang balik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Robin Padilla, Regine Velasquez kasama ang No. 1 Pound for pound King Manny ‘‘Pacman’’ Pacquiao sa Totoy Bato, Richard Gutierrez sa Zorro at Iza Calzado, Sunshine Dizon, Mark Anthony Fernandez, Alfred Vargas, at ang pinagsamang puwersa nina Jean Garcia, Eula Valdez at Richard Gomez sa All About Eve.

Meron din Paano Ba Ang Mangarap na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Game at reality-based shows na Family Feud Celebrity Edition, ang My Dad is Better Than Your Dad simula ika-8 ng Pebrero. Tatayo bilang host si Paolo Contis.

Meron ding Hole in the Wall at Power of 10 sa mga darating na buwan. 

* * *

For the first time, nagsalita na rin si Ms. Galvante tungkol sa naudlot na pagpasok ni Diether Ocampo. “Siya ang lumapit, siya ang nag-presenta ng sarili niya. Along the way, nag-changed siya ng mind. We agreed not to talk about it,” sabi niya.

* * *

Wala namang nakikitang masama si Jericho Rosales kung nanliligaw man siya kay Karylle. Single naman daw siya pero hindi siya nagmamadali.

Usap-usapan na kasi ang panliligaw niya sa dating girlfriend ni Dingdong Dantes.

Pero incidentally, hindi muna si Karylle ang makakasama niya sa kanyang bagong programa sa ABS-CBN kundi si Bea Alonzo. Yup, pasok na siya sa I Luv Betty La Fea. Karagdagan ang karak­ter niya bilang si Aldo at take note, binigyan siya ng sariling presscon dahil sa kanyang inclusion.

Excited siyang makatrabaho si Bea at si John Lloyd dahil sa pareho daw itong magagaling na artista.

Bukod kay Echo, balitang marami pang papasok na character sa Betty La Fea.

* * *

Nag-deny ang EB Babes na nali-link kay Ding­dong Dantes na may ugnayan sila ng aktor at nagkaroon ng something nang magkasabay-sabay silang magbakasyon sa Boracay. Ayon Shaira (not sure sa spelling ng name niya) not true ang balita na sinasabing nag-aagawan pa sila ng isa pa niyang ka-member kaya sila nag-away.

Say ni Shaira, natakot siya nang unang lumabas ang issue particular na kay Marian Rivera.

Pero in fairness, maganda ang dancer na ito ng EB Babes. May tindig at hindi imposibleng magus­tuhan nga ng aktor nanauna nang nag-deny sa issue.

DAHIL

DINGDONG DANTES

DYAN

KAY

MS. GALVANTE

MS. REDGIE

NIYA

PACMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with