^

PSN Showbiz

Ploning out na sa Oscars

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sad naman na out na sa Oscar Awards 2009 - Best Foreign Language Film ang pelikula ni Judy Ann Santos na Ploning matapos pagpilian ang 65 submitted entries mula sa iba’t ibang bansa.

Sa 65, namili na ang board of jurors ng Academy of Motion Picture Arts and Science ng siyam:

Revanche - directed by Gotz Spielmann (Austria)

The Necessities of Life directed by Benoit Pilon (Canada)

The Class - directed by Laurent Cantet (France)

The Baader Meinhof Complex - directed by Uli Edel (Germany)

Waltz With Bashir - directed by Ari Folman (Israel)

Departures - directed by Yojiro Takita (Japan)

Tear This Heart Out directed by Roberto Sneider (Mexico)

Everlasting Moments - directed by Jan Troell (Sweden)

3 Monkeys - directed by Nuri Bilge Ceylan (Turkey)

Agad na kumalat ang hindi magandang kapalaran ng Ploning kahapon.

Ayon sa ilang blogs, mula sa simula ay hindi nakasama ang Ploning sa favorites ng Oscars.

Sayang, sobra ang ibinigay na effort ni Juday sa kampanya ng pelikula. Marami rin ang nagbigay ng financial support sa aktres para sa pelikulang ito.

* * *

Wala palang kinitang datung ang mga na-eliminate sa Pinoy Fear Factor: Ar­gentina, South America na sina Gail Ni­colas, Ram Sagad, Phoemela Baranda, Jose Sarasola, Elmer Felix at LJ Mo­reno. Yup, walang premyo. Pero naman, na­karating sila ng libre sa Argen­tina. Aba, hindi madaling makarating sa natu­rang bansa dahil marami kang dadaanang bansa bago tuluyang maka­rating doon.

Wala raw kasing direct flight doon mula sa ating bansa sabi ng kaibigang Isah Red. At halos dalawang araw ang biyahe.

Anyway, nagkaroon pala ng fear si Phoemela bago siya sumali sa Pinoy Fear Factor na baka wala na siyang balikang trabaho sa TV Patrol at The Buzz dahil hindi niya puwedeng sabihin na aalis siya papuntang Argentina. Pero nakabalik naman siya infairness.

Anyway, hindi man nila nakuha ang milyung-milyong premyo, tuloy naman ang buhay nila sa showbiz. Tulad na lang ng Bikini Summit ’07 winner na si Gail. Mara­ming kalalakihan ang nadismaya nang matanggal siya, pero hindi nagtagal ay muling naaninag ang seksing modelo sa mga pamosong men’s magazines. Kung sa unang ronda ng elimi­nation ay nanginig siya sa lamig, sa totoong buhay naman ay painit siya nang painit lalo na’t contract star na siya ng Viva.

Moreno hottie ang dating ng basketball hunk na si Ram, na abala ngayon sa mga workshop at auditions para sa TV at pelikula. Pagkatapos mahulog sa huli niyang stunt, pinangako niyang hindi na muling bibitiw sa kanyang pangarap.

Mistulang pelikula naman ang karanasan ni Jose sa PFF. Matapos matuklaw ng ahas ay natuklaw naman niya ang kapwa participante na si Savanah, May binitawan din siyang maanghang na linya para kay Manuel, na inakusahan niyang may ibang personalidad sa likod ng kamera. Bida nga ba o kontrabida ang leader ng pump squad? Basta ang sigurado, hindi niya tatalikuran ang kanyang leading-lady sa totoong buhay — ang pagluluto.

Madalas man siyang naging The Doctor is Sick sa Argentina, pinilit naman niyang lumaban hanggang sa huli. Sa kabila ng pagod at sakit go, go, go lang si Doc Elmer kahit pa nakalunok ng ipis. Balik sa pangangalaga ng hayop si Doc Elmer pero willing din siyang mag-ala-Oki Doki Dok!

Ang pagkatanggal ni LJ naman ang isa sa pinaka ’di inaasahan. Bilang pinakamalakas sa babae, siya ang naisip na maaaring makatalo sa mga lalaki pagdating sa dulo. Ngunit sa sexta ronda de eliminacion pa lang ay kinapos na ang actress-turned-preschool teacher at hindi nadaig ang takot niya sa malalim na bahagi ng tubig. Ngayong eliminado na siya, harapin naman kaya niya ang hamon ng pag-ibig? Balita namin ay nagde-date na sila ng Argen-tine crew na si Maxi.

vuukle comment

ACADEMY OF MOTION PICTURE ARTS AND SCIENCE

ARGEN

DIRECTED

DOC ELMER

NAMAN

PINOY FEAR FACTOR

PLONING

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with