Gretchen tutok sa voice practice
Sa nakaraang concert na pinamagatang Ogie Sings With the Idols sa Aliw Theater noong Disyembre 20 at 21, 2008, kasama ng three-time Aliw Awards Entertainer of the Year and Hall of Famer na si Ogie Alcasid ang malalakas na puwersa ng mga mang-aawit sa pangunguna ng American Idol (Season 7) finalist Ramiele Malubay at ang Pinoy Idol (Top 3) na sina Ram Chavez, Jayann Bautista at Gretchen Espina.
Sa kalipunan ng mga ‘idols,’ si Gretchen ang maituturing na outstanding sa pisikal na kaanyuan at husay ng tinig. Hindi ito mapasusubalian dahil pamangkin siya ng Filipino singer na sumikat noong ’80s na si Aileen Espina at ang kanyang ina naman na si Dr. Cecille Espina, ay kumakanta rin.
Matindi ang kanyang pagnanais na maging tanyag na mang-aawit din sa hinaharap kaya pagkatapos mag-aral, magko-concentrate na siya sa pagkanta. Sa ngayon, panay muna pag-practice sa kanyang vocal chords ang inaasikaso niya dahil napapanood siya sa SOP na nakikipagbiritan.
“My day is not complete without singing any song,” sabi ni Gretchen na umaming nadadala siya ng mga malulungkot na kanta. “Singing is actually conveying the emotions of a song. Kailangang maipadama sa mga nakikinig ang lalim ng awitin.”
- Latest