^

PSN Showbiz

Amy Austria hindi na priority ang showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Happy ako para sa aking alaga na si Amy Austria dahil nakatagpo siya ng isang mabuti at responsab­leng asawa, si Duke Ventura.

Nag-celebrate sina Amy at Duke ng kanilang 10th wedding anniversary noong Sabado kaya nagpunta ako sa kanilang dinner treat.

Picture of a happy and contented wife si Amy dahil wala na siyang mahihiling pa. Can afford siya na huwag lumabas sa TV at pelikula dahil ang kanyang pamilya ang priority niya. Simpleng-simpleng buhay ang pangarap ni Esmeng at natupad ito.

* * *

Kumakain na ako nang biglang dumating ang ibang mga bisita nina Amy at Duke. Isang babae ang lumapit sa akin at nagtanong, “Lolit, bakit mo naman ginanun si Lian?”

Daay, tita as in tiya ni Lian ang babae na lumapit sa akin at na-bother sa mga question ko kina Lian at Paolo Contis nang mag-guest ang dalawa sa Startalk noong Sabado.

Sa totoo lang, wala akong na-feel na guilt sa mga ginawa ko noong Sabado. Naging honest at straightforward ako. Nagkataon din na ako lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin si Lian tungkol sa past relationship niya kina Mark Herras at Jeff Tan.

The who si Jeff Tan? Siya ang direktor na anak ng yumaong record produ na si Bella Tan at siya ang dahilan kaya nakipaghiwalay noon si Mark kay Lian.

Siyempre, nagtaka ako dahil noong October 2008, pinadalhan ako nina Lian at Jeff ng mooncake tapos December 2008, si Paolo na ang ka-date ni Lian.

Ako na ang kusang nagtanong dahil siguradong tatanungin din sina Lian at Paolo tungkol kina Mark at Jeff. Nakasagot naman sila sa mga tanong ko kaya the end na ang isyu. Hindi na magiging malaki ang kontrobersiya dahil nagsalita na si Lian tungkol sa kanyang mga ex-boyfriend at ganoon din si Paolo na talagang hinding-hindi na babalikan si Isabel Oli.

* * *

Nasabi ko na malabo nang magkabalikan sina Isabel at Paolo dahil nakita ko na in love na in love ang huli kay Lian.

At sa track record ni Paolo, wala siyang ex-girlfriend na binalikan, kahit tanungin n’yo pa sina Carol Banawa, Desiree Del Valle, Nancy Castiglione at Isabel.

Hayaan natin si Paolo sa kanyang diskarte dahil siya naman ang nakikisama kay Lian, I-wish natin na maging happy sila dahil nakikita ko naman na inaalagaan ni Lian si Paolo. 

* * *

Ipinapabati ni FC si Jude Buenaagua ng Pampanga. Reader ng PSN si FC at siya ang nagkuwento sa akin na na-sight niya sa isang restaurant sa San Fernando noong December si Diether Ocampo at ang kanyang mestiza girlfriend. Mestiza si Kristine Hermosa pero hindi siya ang ka-date ng aktor na muntik nang maging Kapuso.

* * *

Kung hindi ko pa nabasa dito sa PSN na expired na ang MTRCB Deputy Card, kampanteng-kampante ako na magagamit ko sa panonood ng sine ang ID na ibinigay sa akin ni Mama Consoliza Laguardia.

Paging Mama Consoliza? Kailan n’yo po ire-renew ang mga expired ID? Ang dami nang nagtatanong sa akin at wala akong maisagot.

AKO

AMY AUSTRIA

BELLA TAN

CAROL BANAWA

DAHIL

JEFF TAN

LIAN

PAOLO

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with