^

PSN Showbiz

Cameraman Ni Ces May Trauma Sa Tali

- SEEN SCENE -

Seen : Si Vice- President Noli De Casto sa prusisyon ng Nazareno sa Quiapo. Nag-umpisa ang prusisyon ni Vice-President sa Manila City Hall. Hindi niya nata­pos ang prusisyon na tumagal ng  dose oras.

Scene : Ang eleksiyon ng mga bagong officer ng Philippine Movie Press  Club noong Biyernes. Nahalal na pangulo si Roldan Castro at Vice-President si Melba Llanera.

Seen :  Ang lumalalang family feud ng mga Brodett. Galit sa dating actor  na si Dave Brodett ang kanyang pamilya. Pinagbibintangan siya na nakikipag­sab­watan sa mga opisyal ng PDEA kaya nadakip ang kanyang pamangkin na binan­sagan na Alabang boy at nahuli sa drug buy-bust operation. Sariling kapatid ni Dave ang nagsabi na showbiz na showbiz siya.

Scene : May trauma pa rin ang dalawang cameraman na kasama ni Ces Drilon na kinidnap ng mga miyembro ng  Abu Sayyaf. Bumabalik sa isip nila ang traumatic experience  kapag nakakakita sila ng tali.

Seen : Si Annabelle Rama at  GMA 7 executive Wilma Galvante sa birthday party ni Redgie Magno. Share sila ng table. Past is past.

Scene : Tarzariray, Amasonang Kikay ang pamagat ng Season 21 ng Daisy Siete. Bida si Rochelle Pangilinan at leading man niya si John Lopez, ang cast-away ng Survivor Philippines.

Seen :  May special participation sina Ram at Robin Nievera sa February 6 concert ng kanilang mga magulang, sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

ABU SAYYAF

AMASONANG KIKAY

DAISY SIETE

DAVE BRODETT

JOHN LOPEZ

MANILA CITY HALL

MARTIN NIEVERA

MELBA LLANERA

PHILIPPINE MOVIE PRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with