Sagot sa iyak ni Rufa Mae, 'Ako na naman?! Palaging ako, puro ako!'
‘Ako na naman?! Palaging ako, puro ako!’ ‘Yan ang initial reaction ko nang malaman ko na umiyak si Rufa Mae Quinto sa presscon ng Status: Single ng dahil sa akin.
Nag-emote si Rufa Mae na palagi ko na lang siyang sinasaktan. Napa-look ako sa sky at nag-isip, kailan ko sinaktan si Rufa Mae?
Nasaktan ko ba siya dahil ikinuwento ko ang kuwento na nakarating sa akin tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan blues nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho?
Na-hurt ba si Rufa Mae dahil sa radio report ko noon tungkol sa isyu nila ni Sam Milby? Nag-usap kami ni Rufa Mae dahil tinawagan niya ako sa telepono dahil may nakarinig daw ng mga ibinalita ko sa dzRH.
Tinanong ko rin Rufa Mae kung siya mismo ang nakarinig. Hindi raw. May nagsabi lang sa kanya. Eh paano kung iba ang pagkakakuwento sa kanya kaya ako ang nagmistulang kontrabida? It’s not fair ha?
Nalaman ko pa na nagsalita si Rufa Mae na tulungan ko na lang sana siya sa promo ng Status: Single. Why not? Willing ako na tumulong sa promo ng kanyang pelikula dahil dalawang alaga ko ang kasama niya, sina Alfred Vargas at Paolo Contis.
* * *
Hindi ako galit kay Rufa Mae dahil walang dahilan para magalit ako sa kanya. Nagkataon lang na ako ang naging bearer of news tungkol sa kanya. Mga news na nakarating sa akin at ma-I-share ko sa dear readers ng PSN.
Pareho kami ni Rufa Mae na may mga talk show. Kung may mga isyu tungkol sa kanya na gusto niyang linawin, puwedeng-puwedeng magsalita si Rufa Mae sa Showbiz Central.
I repeat, hindi ako galit, imbyerna o iritable kay Rufa Mae. Miscommunication ang nangyari. Basta, watch n’yo ang kanyang coming soon na pelikula para hindi masayang ang pag-iyak ni Rufa Mae dahil sa akin.
* * *
Invited ako sa presscon kahapon ni Dingdong Dantes pero nawala sa isip ko. Hindi tuloy ako nakapunta pero okey lang dahil over-acting ang trapik kahapon sa Edsa.
Kung kailan araw ng Biyernes at pista ng Nazareno sa Quiapo, saka naglilinis ang mga empleyado ng MMDA. Isa sila sa source ng grabeng trapik kahapon ‘huh!
Na-miss ko ang presscon ni Dingdong na bagong endorser ng Goldilocks at na-miss ko na mag-win ng Goldilocks cake sa raffle draw.
Sa isang function room ng Edsa Shangri-la ang venue ng presscon. May kumalat na tsismis na nasa isang function room si Karylle pero hindi naman siya nakita ni Dingdong.
* * *
Asking si Richard Jet tungkol sa favorite segment niya sa Nuts Entertainment, ang Balakubak portion. May suggestion din siya sa GMA 7 na gawan ng TV remake ang Kapitan Kidlat.
Hindi ko pa alam ang kapalaran ng Nuts Entertainment. Magkikita kami ngayong hapon ni Joey De Leon sa Startalk. Itatanong ko sa kanya kung kailan magre-resume ang taping ng Nuts Entertainment.
Marami na ang nakaka-miss sa mga bagong episode ng Nuts Entertainment. Hit na hit sa mga tao ang Balakubak Portion. Hopefully, may sagot na ako kay Richard sa Linggo.
* * *
Nagpapa-greet naman si Isagani Dador a.k.a Alvhin ng Saudi Arabia. Regular reader si Alvhin ng PSN. Happy reading sa ’yo at salamat sa walang sawang pagtangkilik sa PSN.
- Latest