^

PSN Showbiz

Pinoy na nag-join sa American Idol balik sa pagiging janitor

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Makulimlim ang panahon kahapon kaya hindi ako lumabas ng bahay. Sa totoo lang, marami ang tinatamad kahapon dahil sa bad weather. Pati nga ang mga taga-showbiz, walang ganang kumilos.

Nagulat nga pala ako sa bayolenteng reaksyon ng mga tao sa column item ko tungkol kay Dyan Castillejo. Hindi ko ine-expect na negang-nega ang image ni Dyan dahil sa mga Pinoy na nakatikim ng pagkasuplada niya.

Totoo man o hindi ang mga paratang sa kanya, dapat mag-effort si Dyan na maging approachable. Hin­di niya kailangan na magpaka-sweet.

Kasama sa trabaho ng mga TV personalities ang pagkakaroon ng PR, sa harap at likod ng kamera. Kung paiiralin nila ang pagiging supladita, mawawalan ng mga viewers ang kanilang mga shows at eventually, magiging dahilan para mawalan sila ng source of income.

Walang tao na may gusto na mawalan ng trabaho ’noh!

* * *

May nagpadala sa akin ng mga litrato ng mhin na tinawag niya na Pinoy Obama. Siyempre, may correction please ako. Indonesian at hindi Pilipino si Pinoy Obama dahil kung nagbabasa kayo ng Philippine Star, tiyak na nakita ninyo ang article tungkol sa Indonesian photographer na kasama ni Ate Glow sa isang TV commercial.

Napagkamalan na Pinoy ang Indonesian dahil pareho ang hitsura ng Pinoy at Indonesian. Pati na rin nga Thai at Malaysian.

Maraming salamat na rin kay Anne Parish para sa mga litrato ng Obama look-alike na ipinadala niya sa akin.

* * *

Narinig ko ang balita na bumalik na si Renaldo Lapuz sa pagiging janitor dahil mahina ang raket niya bilang singer sa Amerika.

Naawa ako kay Renaldo pero talagang ganyan ang buhay. Maswerte pa rin siya dahil naranasan niya na mag-stay sa mga five-star hotels, pagkaguluhan ng mga Amerikano at nagkaroon siya ng name.

Sa tingin ko, simpleng tao lang si Renaldo. Happy na siya na natupad ang kanyang pangarap na makapag-audition sa American Idol noong isang taon. Over-qualified si Renaldo dahil lampas na siya sa age requirement ng show pero napansin pa rin siya ng mga hurado ng American Idol.

Teka, natuloy ba ang pag-uwi ni Renaldo sa Pilipinas noong isang taon? Parang hindi ko naman na-feel na dumating siya. Lalong walang balita na dumalaw siya sa mga kamag-anak niya sa Pilipinas.

* * *

Na-meet ko na ang girlfriend ni Alfred Vargas at ako mismo ang magsasabi na napakaganda niya.

Mahihiya ang ibang aktres sa kagandahan ng girlfriend ni Alfred. Hindi ko lang alam kung papayag si Alfred na ipakilala sa publiko o lumabas sa TV ang kanyang maganda at edukadang girlfriend.

Palaging ipinapasyal ni Alfred ang kanyang gf na napagkakamalan din na artista ng mga tao na nakakasalamuha nila.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

AMERICAN IDOL

ANNE PARISH

ATE GLOW

DAHIL

NIYA

PINOY

PINOY OBAMA

RENALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with