^

PSN Showbiz

Mga Pinoy sa Amerika nairita kay Dyan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mabait na tao ang pagkakakilala ko kay Dyan Castillejo kaya naloloka ako sa mga nababalitaan ko tungkol sa kanya.

Kesyo, kinaiiritahan si Dyan dahil sunod siya nang sunod kay Manny Pacquiao na naiintindihan ko dahil trabaho niya na mainterbyu ang Pambansang Kamao kesehodang talent ito ng GMA 7.

Pero ibang kuwento ang narinig ko mula sa grupo ng mga Pilipino sa Amerika na na-meet si Dyan.

Ang kuwento, naiwan ni Dyan ang susi ng sasakyan sa mismong loob ng kanyang kotse kaya humingi siya ng tulong mula sa isang kababayan na nakita niya.

Nagmagandang-loob ang mhin. Tinulungan niya si Dyan na mabuksan ang sasakyan. Nakita ng misis ng lalaki si Dyan at nakilala niya porke may TFC sa bahay nila.

Lumapit si misis kay Dyan para magpa-picture pero dined­ma raw siya ng sportscaster at hindi rin ito nagpasalamat sa mhin na tumulong sa kanyang prob­lema.

Kinaimbyernahan si Dyan ng Pinoy na nakasaksi sa eksena. Sa susunod na magkaroon ng problema si Dyan, hindi na raw nila tutulungan.

Naalaala ko tuloy ang insidente na nangyari noon sa Centennial Airport. Nag­sum­bong sa akin ang mga empleyado ng isang restaurant na tinarayan sila ni Dyan.

Nawalan daw ng baterya ang cellphone ni Dyan kaya pumasok ito sa restaurant at nagsabi na makiki-charge siya ng telepono.

Magalang na tumanggi ang mga empleyado dahil ipinagbabawal ng manage­ment na mag-charge ng telepono sa restaurant. Nagalit daw si Dyan as in nagtaray ito.

Naniwala ako sa kwento ng mga empleyado dahil consistent ang kanilang kuwento at walang dahilan para siraan nila si Dyan. Kailangan na siguro ni Dyan na makapagbakasyon muna. Baka suffering na siya from too much stress kaya nakapagtataray siya sa kapwa nang hindi niya namamalayan.

* * *

Sa susunod, hindi na ako maglalagay ng mga contact numbers ng aking mga kaibigan dito sa aking column dahil nakakatanggap sila ng mga malalas­wang text messages mula sa mga hindi kilalang tao.

Nang ilagay ko dito ang contact number ng fashion designer na si Bong Lazo, nakatanggap siya ng mga tawag. Pinupuri si Bong ng mga callers dahil sa mga magagandang damit na kanyang ginagawa.

Pero nang tumagal, kinukulit na ng mga callers si Bong. Nanghihingi sila ng mga contact numbers ng mga artista at ang pinakamatindi, niyayaya siya na makipag­tsugihan.

Nakoo, madasalin at mabuting tao si Bong. Hindi siya mahilig sa kalaswaan kaya na-shock siya sa mga tawag at text messages na natatanggap niya. Nahihiya ako kay Bong. Feeling guilty ako dahil kung hindi na-publish ang kanyang contact number, hindi siya makakaranas ng pambabastos.

* * *

May panawagan sa GMA 7 ang PSN reader na si Rosario Diolazo at ang kanyang pamilya tungkol kay Jewel Mische at sa grupo ng Sugarpop. Mula sa Pasig City ang Diolazo family at ipinadala nila ang kanilang email sa [email protected].

Ang sabi niya: “Avid reader ng PSN ang aking pamilya. In fact, nagpapa-deliver kami ng inyong newspaper everyday, umulan, bumagyo, at kung anu-ano pang holidays.

“Kailangan may PSN kami everyday. My favorite section of PSN is the Showbiz Ngayon section. Anyway, I know that you’re not the manager of Sugarpop and Jewel Mische. Sana naman thru you, makarating sa GMA Artist Center, bakit wala na at hindi na namin nakikita ang other members ng Sugarpop most specially Pocholo, Renz and Vanessa — ang gagaling pa naman nila.

“Ang ganda-ganda ng blending ng voices nila. In fact, one of the most awaited numbers sa SOP ay ang production number ng mga batang ito. Sayang naman kung ’di na bibigyan ng exposure ang mga batang ito. Paging Mr. Danny Tan baka may magawa kayong paraan.

“About Jewel Mische, bakit po kaya wala na rin siyang mga TV show sa GMA? We are hoping that our concern will reach GMA 7 thru your kindness Ms. Lolit. Thank you very much and more power to you!!!”

ABOUT JEWEL MISCHE

ARTIST CENTER

BONG LAZO

CENTENNIAL AIRPORT

DAHIL

DYAN

DYAN CASTILLEJO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with