^

PSN Showbiz

Edu gusto nang magka-apo kina Luis at Angel

-

May blessing na ni Optical Media Board Chairman Edu Manzano na pakasalan ng anak niyang si Luis Manzano si Angel Locsin. “Hindi ako tutol. Masuwerte ang magugustuhan ng anak ko. Responsable siya.

“Pero sana bilis-bilisan nila. Gusto ko nang magka-apo. Gusto ko, medyo malakas pa akong maging lolo, para naman maalagaan ko ang apo ko,” kuwento pa ni Edu nang makatsika namin last Monday na hindi naman din pala totoong magri-resign bilang host ng Pilipinas GKNB?

Hindi na lihim ang relasyon nina Luis at Angel. Kailan lang ay galing sila ng Macau - bago mag-Bagong Taon.

Halata rin namang super in love si Luis kay Angel at ganundin si Angel at binuking mismo ng ama (ni Luis) na ang daming collection ng pictures ng girlfriend si Luis at dinemonstrate pa nga ni Edu ang kapal. Madalas daw kasing ‘official photographer’ ni Angel si Luis na kitang-kita last Sunday sa ASAP - panay ang kuha ng picture ni Luis habang sumasayaw si Angel.

Anyway, ilang taon na ring tagumpay ang OMB sa kampanya ng pirata ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival dahil sa masigasig na pagbabantay ng OMB katuwang ang Legitimate Retailers Association of the Philippines Inc. na pinamumunuan ni Mr. Yassin Ibrahim. Ang LRAPI ay organisasyon ng mga kapatid nating Muslim sa Quiapo na nagbabantay sa namimirata. Dati kasing pinagbibintangang ang mga kasamahan niya ang namimirata, pero kalaunan ay nadiskubre nilang hindi naman mga kasamahan nila.

Wala na rin daw gaanong nagbebenta ngayon ng mga pirated DVD’s and CDs sa Quiapo kumpara noon na ang pagbebenta lang ng pirated audio and video goods ang inaasahan ng mga kababayan nating Muslim sa nasabing lugar.

* * *

Siguro naman ay hindi na pagduduhan ang pagiging vegetarian ni Yasmien Kurdi. Hindi naman kasi siguro siya kukunin ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia Pacific para mag-promote ng kanilang two brand-new-pro-vegetarian ads.

Sa first ad, nasa loob siya ng hawla kasama ang isang baby chicken na may tagline na Try to Relate to Who’s on Your Plate. Go Vegetarian. Habang ang pangalawang posing, nasa ibabaw siya ng hawla na may tagline na Respect Chicks. Go Vegetarian.

“I’m asking people to liberate their diet and give vegetarianism a try,” say ng young actress who ranked among the top contenders in PETA’s search for Asia’s sexiest vegetarian. “With so many delicious alternatives now available, it’s easier than ever to enjoy great food without causing animal suffering.”

Bakit nga ba gusto ni Yasmien na tularan siya na maging vegetarian? Dahil pag vegetarian ka raw, mas malakas ang katawan at may energy and stamina than people who dine on fat-laden meat, dairy products, and eggs.

“And vegetarians have a much lower incidence of ailments such as heart attacks, strokes, obesity, and certain types of cancer. Eating meat is responsible for immense animal suffering as well. Pigs, cows, and chickens are confined to dark, filthy warehouses, where they are deprived of everything that is natural and important to them. Animals raised on factory farms routinely undergo debeaking, tail-docking, and castration—all without any pain relief,” ayon pa sa PETA.

Eh bakit hindi kaya kunin ng PETA si KC Concepcion na alam ng buong bayan ang pagiging vegetarian ng anak ni Mega?

ANGEL LOCSIN

ASIA PACIFIC

BAGONG TAON

EDU

ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS

GO VEGETARIAN

LEGITIMATE RETAILERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES INC

LUIS

VEGETARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with