^

PSN Showbiz

Actress na nakipag-break dati may bitterness pa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Marami ang humanga kay Jolina Magdangal kung paano nito hina-handle ang break-up nila ni Bebong Muñoz. Hindi nito ipinagkait sa press ang kato­to­hanan at nang magpaalam ang amang si Jun Magdangal na kailangang aminin sa press ang totoo, agad itong pumayag.

Noong Linggo sa Showbiz Central, personal at direktang inamin ni Jolina na tapos na ang six ba o eight years nilang relasyon ni Bebong. She’s working na mabilis makapag-move on at sa mga mata lang nito nahahalatang malungkot siya.

Dahil sa pagiging direkta, hindi muna pini-pressure si Jolina ng press na alamin ang rason ng kanilang break-up ng ex at kung kailan talaga sila naghi­walay. Tulad sa kanyang pa­mil­ya, nirerespeto ng press ang kanyang pananahimik at bini­bigyan siya ng space and time na makapag-isip ng husto.

Very Jolina ang dialogue nitong “Ayaw ko nang makinig sa sasabihin ng tao” at “Hindi ko pa masyadong ma-express ang pasasalamat sa mga nag-text at sumusuporta sa akin dahil manhid at nahihilo pa ako,” with matching hawak ng ulo.

* * *

Isa pang napupuri ng mga fans ay si Isabel Oli dahil walang narinig sa kanya na sinabing masama laban sa ex niyang si Paolo Contis at sa nali-link dito ngayong si Lian Paz ng EB Babes. Kahit si Isabel ang sinisisi sa paghihiwalay nila ni Paolo dahil sa mga akusasyong Bilmoko Girl siya at pati desisyon ng pamilya ay iniaasa sa ex, wala pa ring narinig sa kanya.

Gusto siyang palakpakan lalo na ng mga fans ni Paolo na sa halip magalit, nag-wish pa ito ng happiness sa dating boyfriend at sana raw, patuloy silang maging magkaibigan.

Kung si Paolo ay may Lian na, si Isabel ay hindi nagmamadaling humanap nang ipapalit sa actor. Sa kanyang pamilya at sa Gagambino ang kanyang focus.

Sa ipinakitang ehemplo nina Jolina at Isabel, hindi maiwasang ikumpara sa kanila ang actress na tila nahihirapang makapag-move on sa paghihiwalay nila ng actor. Puno pa rin ng bitterness ang mga sinasabi at ikinikilos nito ’pag napag-uusapan ang ex-boyfriend at ang natsitsmis na girlfriend nito ngayon.

* * *

Tama ba ang nabalitaan naming gagawan ng TV remake ng GMA 7 ang Viva Films movie na Do-Re-Mi na pinagbidahan nina Regine Velasquez, Mikee Cojuangco at Donna Villa noon? Parang hindi kapani-paniwala ang mga makakasama nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa TV remake.

Okey sina Polo Ravales, Hero Angeles at Jennica Garcia dahil pare-pareho silang Channel 7 talents, nagduda lang kami sa pagkakasali nina K Brosas at Ejay Falcon na ABS-CBN contract stars. Papayagan ba silang ipahiram sa Channel 7? At saka sabi ni K, papasok siya sa I Luv Betty La Fea and this January na siya magsisimulang mag-taping.

In fairness, maganda kung matutuloy ang project dahil first time yatang magkakasama sa isang project ang StarStruck 1 girls na sina Jennylyn, Yasmien at Katrina.

BEBONG MU

BILMOKO GIRL

DONNA VILLA

EJAY FALCON

HERO ANGELES

I LUV BETTY LA FEA

ISABEL OLI

JENNICA GARCIA

JENNYLYN MERCADO

JOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with