Nagkalat ng tsismis sa 'relasyon' ng ex ng aktres at TV Exec magsasalita
“Jusko” lang ang reaction ng taong bida sa kumalat na hate text message at inakusahang nagkakalat ng tsismis na ang pakikipag-relasyon sa iba ng ex-boyfriend ng singer-actress ang rason nang kanilang paghihiwalay.
Sobrang foul ang akusasyon dahil wala rito ang taong idinawit sa tsismis, tahimik itong nagbabakasyon sa Amerika at nagulat na lang na idinadawit siya sa latest break-up sa showbiz. Ang nakakaloka pa, hindi nito alam na break na ang singer-actress sa non-showbiz boyfriend at sa mga kaibigan lang niya sa press nalaman ang latest.
This week na babalik from the States ang tinutukoy na nagkalat ng tsismis at handa itong harapin ang isyung inaakusa sa kanya. Saka, kilala niya kung sino ang nasa likod nang kumalat na text message.
* * *
Kung walang magiging bulilyaso, back to work na bukas ang loveteam nina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil bukas ang scheduled first taping day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
Nakakita na rin finally si direk Joyce Bernal ng mansion na gagamiting bahay kunwari ni Dingdong sa series.
Tinanong namin si Marian kung ready na siya sa kanyang mga eksena kung saan, kailangan niyang patalun-talon at takbo nang takbo dahil sa role niyang sikreto muna. Kaya lang, dahil sa nangyari sa kanyang kanang paa, hindi muna kukunan ang mga eksenang tatalon siya sa azotea. Kukunan ang mga nasabing eksena ‘pag magaling na magaling na ang kanyang paa.
Balik-GMA-7 si Angelu de Leon dito’t kasama siya sa main cast na kinabibilangan din nina Paolo Contis, Francine Prieto, Jackie Rice, Mart Escudero, Carmi Martin, Carlene Aguilar at Eugene Domingo among others.
Samantala, bibiyahe na naman sina Marian at Dingdong dahil kasama sila nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa show sa Guam sa February 7. May show din sila sa iba pang parte ng Amerika sa May.
* * *
“All good performers” ang sinabi ni Helen Gamboa sa bumubuo ng cast ng Tayong Dalawa pati ang young cast. Sina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca, alam kung paano gagawin ang kanilang eksena at bukod sa direksyon ni Ruel Bayani, may sarili rin silang diskarte kung paano palalabasin ng maganda ang kanilang eksena.
Nahiya si Helen tuwing binabanggit ng mga kaibigang reporter na hindi na niya kailangang magtrabaho dahil mayaman sila. Bakit nga ba siya bumalik sa showbiz?
“You know, showbiz is a big part of my life. I really miss it at ‘pag may offer na na ganito, good role and good story, I grab it. Nandu’n ang passion ko talaga, that’s why I keep coming back. I really love acting lalo kung challenging ang role. It’s more on the passion and not the money,” sagot ni Helen.
Hindi isyu kay Helen kung sa ABS-CBN siya may show at sa Eat…Bulaga ng GMA-7 naman lumalabas ang asawang si Tito Sotto. Kasama niya ang anak na si Gian Sotto sa Ch. 2 at kasama naman ni Tito si Ciara Sotto sa Ch. 7.
* * *
Sa isang interview kay Jennylyn Mercado, nabanggit na gagawin pa rin niya ang Obra, pero ‘di sinabi kung kailan. Pero, ang balita namin, inalis na ng GMA-7 ang drama anthology kasabay ng Nuts Entertainment. Over-budget ang narinig naming rason sa pag-tsugi sa show.
Kung totoo ito, hindi na mapi-feature si Jennylyn at four Kapuso stars lang na kinabibilangan nina Katrina Halili, JC de Vera, Sunshine Dizon at Iza Calzado ang na-feature. Sayang at marami pa namang ang gustong ma-feature rito.
Sa maagang pagkawala sa ere ng Obra, nasayang ang objective ng show na ma-feature in different roles ang ibang Kapuso talents at pati na rin ang mga director na kinukuha nilang magdirek for a certain episode. But for sure, may naisip na ang Ch. 7 na shows na ipapalit sa nawalang Obra (kung totoo) at Nuts Entertainment.
- Latest