^

PSN Showbiz

Beth nag-alsa balutan: asawang negosyante nilayasan na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Kumpirmadong hiniwalayan na ng magan­dang aktres na si Beth Tamayo ang kanyang asawang si Johnny Wong noong December 26 dahil ayaw naman niyang gawin ito sa araw mismo ng Pasko.

Sa isang condo siya ngayon naninirahan somewhere in Metro Manila.

Sa apat na taon pala ng pagsasama nila ng negosyantang asawa ay pinag­tiisan lang nito ang ugali kung saan sa ka­nilang pagsasama ay kabilang na rin ang pag-aaruga nito sa anak ng dyowa na itinuring niyang parang tunay na anak.

Ito ay isang pagpapatunay na ang tunay na ligaya at pagiging matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi pwedeng mabili ng salapi, ’di ba?

* * *

Pinakukuha ni Imelda Papin ang numero ng telepono ng malalapit na kaibigang manunulat para kumustahin at personal na pasalamatan dahil sa pag-alala sa kanya kahit nasa Amerika siya. Nag-concert ito na naging isang malaking tagumpay.

Balitang super yaman ang karelasyon ng magaling na singer.

* * *

Prodyuser na ang magkapatid na sina Melissa Mendez at Glenda Garcia at nag­tatag ng bagong produk­syon na tinawag nilang Emerge Enter­tainment Productions. Excited na sila sa initial presentation nila na isang makabu­luhang proyekto titled Hilot sa direksyon ni Buboy Tan.

Sa panahon ngayon na pinaiiral ng ilang kabataan ang pre-marital sex o trial marriage na nagbubunga ng abortion para sa kanila ang pelikula at sa mga kabataan para hindi maligaw ng landas. Ieendorso rin ito ng Department of Education na mahalagang mapanood ng mga estudyante. Tampok sina Melissa at Empress Schuck gayundin si Glenda, Maribel Lopez at Ricardo Cepeda sa pangunahing papel at malapit nang ipalabas ngayong Enero.

Ginagampanan ni Empress ang papel bilang anak ni Melissa na isang abortionist. Napalapit nang husto ang kanyang loob sa aktres-produ dahil sa kabaitan nito habang nagsusyuting sila.

“Maalaga si Ate Melissa sa set at minsan nga siya pa ang nagse-serve ng pagkain ko. Maganda ang working relationship namin at masaya rin kami sa set dahil para kaming isang pamilya,” aniya.

Natutuwa si Empress na maging bahagi ng Hilot dahil marami siyang natutunang aral kaya inaanyayahan niya ang mga kabataan na panoorin ang pelikula.

* * *

Wish ni JC de Vera na makapag-invest sa taong ito dahil gusto niyang matupad ang pangarap na makabili na ng bahay. Gusto rin niyang makapunta at madalaw ang lola sa LA. Hindi siya nakapagbiyahe noong nakaraang taon dahil sa rami ng commitment.

“Sana magkaroon pa ako ng maraming projects para matupad ang wish ko na magka-bahay this year,” anang aktor.

ATE MELISSA

BETH TAMAYO

BUBOY TAN

DAHIL

DEPARTMENT OF EDUCATION

EMERGE ENTER

EMPRESS SCHUCK

GLENDA GARCIA

HILOT

IMELDA PAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with