^

PSN Showbiz

Hindi na umapir sa Startalk: Dr. Hayden umuwi na sa probinsiya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi umapir kahapon si Hayden Kho sa Startalk dahil umuwi na siya sa Marinduque noong Biyernes. ‘Yon ang sabi niya ha?

Nag-text na lang si Hayden kay Gorgy Rula ng Startalk na hindi siya makakarating porke nagpunta na nga siya sa probinsya.

Hindi na-miss ang absence ni Hayden dahil may interview na kami sa kanya ni Ricky Lo noong Martes. Mabuti na lang, nainterbyu namin siya or else, hindi magiging successful ang sagutan blues nila ni Katrina Halili.

‘Yun nga lang, hindi natuloy ang pagkanta ni Hayden. Nakakundisyon pa naman ang kanyang isip na makakanta niya sa TV ang awit na bagay na bagay daw sa kuwento ng love affair nila ni Dra. Belo.

* * *

Ang cute ng bunsong anak nina Manny at Jinkee Pacquiao. Nakakuha ang Startalk ng kopya ng litrato ni Queen Elizabeth, ang bagong silang na anak nina Manny at Jinkee.

Queen Elizabeth talaga ang pangalan ng bagets na ang lusog-lusog at kini-claim ni Manny na kamukha niya.

Ipinanganak ang bagets sa isang ospital sa Los Angeles pero dito siya bibinyagan sa Pilipinas dahil ito ang kagustuhan ng kanyang fadir.

* * *

Nandito sa ating bayang magiliw si Nicole Ander­son, ang anak ni Jean Saburit na natsismis na buntis.

Nakunan ng Startalk staff si Nicole sa Boracay. Hindi true ang tsismis na buntis siya dahil two-piece ang kanyang outfit sa beach. Napagkamalan siguro na buntis si Nicole dahil tumaba siya at hindi niya idinedenay ang pagkakaroon ng unwanted pounds. Wondering si Nicole. Paano raw siya mabubuntis eh wala siyang boyfriend?

* * *

Malungkot ang Bagong Taon ni AiAi Delas Alas dahil namatay noong New Year’s Eve ang kanyang tatay na si Rosendo Delas Alas.

Ibinurol ang tatay ni AiAi sa Arlington Funeral Homes at inilibing kahapon sa Eternal Gardens.

Nalungkot si AiAi pero nagpapasalamat siya sa Diyos dahil binigyan ng mahabang buhay ang kanyang ama na namatay sa edad na 88.

* * *

Si Lian Paz ng EB Babes ang kasama ni Paolo Contis sa Boracay at magkasama rin sila sa Macau.

Nakunan ang dalawa ng kamera ng Startalk nang magbakasyon sila sa Boracay. Nalaman ko naman ang pagpunta nila sa Macau dahil sa e-mail na ipinadala sa akin ng isang kababayan at PSN reader na nakasabay nila sa Air Macau plane.

Kagaya ng palagi kong sinasabi, never akong nakialam sa lovelife ng aking mga alaga. Isa lang ang concern ko, kailan ako dadalhin ni Paolo sa Macau?

AIR MACAU

ARLINGTON FUNERAL HOMES

BORACAY

DAHIL

HAYDEN

MACAU

SIYA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with