^

PSN Showbiz

Paolo Contis at Lian yakapan nang yakapan sa Macau

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ko alam ang isasagot sa question ni Kaye Lee dahil never akong nakialam sa lovelife ng aking mga alaga.

Itinatanong sa akin ni Kaye kung si Lian Paz ng EB Babes ang bagong girlfriend ni Paolo Contis dahil nakasabay raw niya ang dalawa sa Air Macau plane noong December 15.

Kamukha raw ni Lian ang girl. Gustong-gusto ni Kaye na magpa-picture pero nailang daw siya dahil sweet at yakapan nang yakapan sina Paolo at Lian.

Working si Kaye sa  Macau. Huwag kang mag-alala Kaye, aalamin ko ang tunay na kasagutan sa katanungan mo at sasabihin ko sa’yo ng perso­nal kapag pumunta ako sa Macau.

Nagplano na ako na magbakasyon sa Macau noong June 7 at naka-book na kami ng mga kasa­ma ko sa The Venetian pero nagkansela ako ng biyahe dahil namatay nga si Rudy Fernandez.

* * *

I hate you Lolit Solis ang title ng e-mail na natang­gap ko mula kay Sam Dignos. Hate ako ni  Sam da­hil hindi ko raw masyadong isinusulat si Lorna To­lentino sa aking mga column.

Hate ako ni Sam dahil naturingan daw na alaga ko si LT pero once in a blue moon daw kung isulat ko si LT. Mabuti pa raw ang ibang mga reporter, madalas na nagsusulat tungkol kay LT.

Sa totoo lang, natawa ako sa sulat ni Sam.

Hindi ako na-offend sa pagkamuhi ni Sam sa akin. Sanay na akong kinamumuhian ng mga Sam pero sasagutin ko ang kanyang e-mail. I hate you too Sam dahil palagi kong isinusulat si LT pero parang hindi mo nababasa. Mag-check ka sa archives ng PSN at makikita mo na madalas akong may kuwento tungkol sa favorite actress mo. Kung love mo si LT, mas love ko siya.

At para hindi na ma-frustrate si Sam ng Lon­don, babatiin ko na lang siya ng Happy New Year, pati na ang kanyang mga kaibigan na si Gladys ng Germany, si Sheryl ng Canada at si Olive ng USA.

* * *

Thank you uli kay Muchos Grasas dahil ipinadala niya uli sa akin ang kopya ng Macau picture nina Luis Manzano at Angel Locsin. Halata sa mga body language nina Luis at Angel na mahal nila ang isa’t isa.

Natuwa ang pamilya ni Muchos Grasas sa pagbanggit ko sa Padre Juan family na isa na yata sa bonggang apelyido na nabasa at narinig ko.

* * *

Napahalakhak naman ako sa e-mail ni Eloise Jaijaiken ng Japan. May-I-ask sa akin ni Eloise ang tf ni Karylle kung sakaling ipag-produce niya ito ng concert sa  Land of The Rising Sun.

Hindi ako ang manager ni Karylle pero favorite ko siya kaya palagi ko siyang isinusulat. Type na type ko ang magandang breeding ni Karylle at ang kabaitan ng kanyang madir na si ZsaZsa Padilla.

Si Carlo Orosa ang manager ni Karylle. I’m sure, makakarating sa kanila ang balita na may gustong magdala kay Karylle sa Japan dahil libu-libo ang nagbabasa ng PSN. At gaya ng sinabi ko sa gustong ipag-produce ng concert si Sarah Geronimo sa Dubai, puwede rin akong imbitahan ni Eloise sa Japan.

AIR MACAU

AKO

ANGEL LOCSIN

CARLO OROSA

DAHIL

KARYLLE

MACAU

MUCHOS GRASAS

SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with