Alfred dalawa ang syota?
Nanghinayang ang mga viewers ng Showbiz Central na hindi umabot sa show si Mo Twister na galing sa bakasyon niya sa Hong Kong. Hindi natuloy ang face-off nila ni Rufa Mae Quinto tungkol sa breakup nina Dr. Vicki Belo. Kukumpirmahin sana ng sexy comedienne kung totoong ang co-host sa show at kasama pa sa Central Jury segment ng show ang nagdidiin sa kanyang may kinalaman siya sa hiwalayan ng dalawang doktor.
Pinahintay ni Mo si Rufa Mae para kahit off-camera ay makapag-usap silang dalawa at nangako sina John Lapus at Raymond Gutierrez na next Sunday, ibabalita nila ang resulta nang paghaharap ng dalawa.
Sa sinabing “Wala akong sex video” at “Wala akong kinalaman sa kanilang dalawa,” umaasa si Rufa Mae na tapos na ang involvement niya sa dalawa. Nakisimpatiya ang mga viewers sa sinabi nitong bata pa ang mga kapatid niya na nag-aaral at ayaw niyang makipag-away ang mga ito dahil lang sa kanya. Matanda na rin daw ang lola niya para mag-alala pa sa kanya. Intrigue free at away free ang wish nito sa 2009.
“Nirerespeto ko ang lahat ng intriga, pero babae pa rin ako. Iniiyakan ko gabi-gabi ’pag nali-link ako kung kani-kanino. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko,” sabi ni Rufa Mae.
* * *
Nalito kami sa sinulat ni Jun Lalin na isinama ni Alfred Vargas sa shooting ng When I Met You ang non-showbiz girlfriend na tila Jasmien ang pangalan. Nalito kami dahil nabasa namin a few weeks ago na inamin ng actor na sila na ng young actress at Kapuso talent na si Janna Roxas. Nakiusap pa nga itong bigyan sila ng privacy at ’wag masyadong intrigahin.
Ibig bang sabihin, dalawa ang syota ni Alfred? May pang-showbiz at non-showbiz? Alam kaya ito nina Jasmien at Janna? (Pareho pang letter J ang start ng name nila). Ma-interview nga si Alfred tungkol dito.
Samantala, tuwang-tuwa ang actor na mapasama sa nabanggit na pelikula na tampok ang tambalan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez at Valentine’s Day presentation ng GMA Films at Regal Entertainment. Siya ang ipinalit kay Marvin Agustin na for sure, na-disappoint na bigla siyang napalitan.
* * *
Ngayong Martes, 8 p.m., sa PICC ang Legends of OPM concert na hinihintay ng marami dahil first time magsasama-sama ang itinuturing na icon sa larangan ng musika. Sama-samang kakantahin ang favorite ’80s songs ninyo at may kasama pang green jokes sina Claire dela Fuente, Eva Eugenio, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Joey Albert, at Rico J. Puno.
Masayang tiyak ang concert dahil sa presscon pa lang, naglalaglagan na ang apat (wala nun si Joey). Sabi ni Rey, majority sa fans ni Rico ay naka-wheelchair na sinagot nitong mas sikat siya sa mga kasama.
’Katuwang malamang 30 years na sa business sina Rey, Eva at Claire, si Nonoy ay 35 years nang kumakanta at si Rico ay 32 years. Si Joey lang ang mas bata-bata sa lima.
Produced ng Viva Concerts and Events ang Legends of OPM, directed by Roxanne Lapus with Jun Latonio as musical director. Call Viva at 687-6181 locals 620 for inquiries. Makabibili rin ng tiket sa Araneta Coliseum, SM Ticketnet at Ticketworld outlets.
- Latest