^

PSN Showbiz

GMA records and home video may bagong handog

-

Ngayong panahon ng pagdiriwang, makipag-bonding sa pamilya kasama ng mga awitin na naging bahagi ng pinakamalalaking pangyayari sa telebisyon at musika. Heto na ang mga bagong handog mula sa GMA Records and Home Video na siguradong magpapaligaya sa lahat!

Balikan ang mga kapana-panabik na mga eksena sa inyong mga paboritong Kapuso series sa Mga Awit Kapuso Vol. 5 (The Best of GMA Themes).  Kasama sa album na ito ang labing-tatlong awitin mula sa mga sikat na tele-fantasya at telenovela. Makisabay na sa mga kanta tulad ng Asero at Lalola ni Janno Gibs, at Ang Aking Mundo mula sa Dyesabel, na inawit ni Julie Ann San Jose ng Sugarpop. Kasama rin ang mga awit ng mga malalaking pangalan sa industriya tulad ni Jaya, Michael V., Ogie Alcasid, Maricris Garcia, Aicelle Santos at marami pang iba.

Isama na rin sa inyong music collection ang Iisang Kinabukasan, isang album na may CD ng awiting Iisang Kinabukasan ni Wency Cornejo, at VCD ng music video nito sa ilalim ng direksiyon ni Louie Ignacio.  Nanalo ang Iisang Kinabukasan ng Best Secular Album at Best Music Video sa katatapos na Catholic Mass Media Awards. Limangput-apat na Kapuso stars ang nagbigay ng kanilang oras at galing para sa proyektong ito, at ang lahat ng maiipon ng album ay magiging tulong sa Kapuso Foundation upang makapagbigay-ligaya sa lahat ng nangangailangan.

Kumpletuhin ang inyong Kapuso Themes anthology!  Mag-uwi na ng kopya ng Mga Awit Kapuso Vol. 5 (The Best of GMA Themes) sa halagang P280, at ng Iisang Kinabukasan ng Kapuso Foundation.  Mabibili ang mga album na ito sa lahat ng Odyssey, Astroplus at Astrovision outlets. 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ANG AKING MUNDO

BEST MUSIC VIDEO

BEST SECULAR ALBUM

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

IISANG KINABUKASAN

JANNO GIBS

KAPUSO FOUNDATION

MGA AWIT KAPUSO VOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with