Parada ng mga buntis
Dahil ang Disyembre 25 ay araw ng pagsilang ng Dakilang Mesiyas, may kakaibang pagdiriwang sa Marikina City. At ito’y tinatawag na ‘buntis party’ para sa mga expectant mothers na ang nagbibigay ay si Hon. Mayor Marides Fernando.
Sa ginawang pagtitipon sa Marikina City ay naging panauhin at umawit si Gian Magdangal at si Patricia Ysmael naman ang naging co-host ni Mother Ricky Reyes.
Mapapanood ang blow by blow account ng nabanggit na event sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo sa QTV-11 alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga.
Ikukuwento ni Mayora kung paano niyang pinaghandaan ang pagsisilang sa nag-iisang anak nila ni MMDA Chairman Bayani Fernando na si Tala na ngayo’y 23 anyos na at nakatapos na ng kursong International Business. Ipapahayag naman ni Gian ang magkahalong kaba at pananabik habang nasa delivery room ang kanyang mahal na si Sheree hanggang masilayan niya ang kanilang baby boy.
Abangan ang ‘parada ng mga buntis’ na ang participants ay nagkamit ng mga regalo mula kay Madam Marides sa Marikina at kay Mader sa Life and Style with Ricky Reyes.
- Latest