^

PSN Showbiz

Dahil kay KC at Jericho: Karylle nag-back out sa Katy the musical

-

“An unprecedented event,” sabi ni Mr. Jacky S. Atienza, Chairman ng Film Development Council of the Philippines matapos mabigyan ng rating ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang walong pelikulang kasali sa ginaganap na Metro Manila Film Festival.

“Heartened that this year’s roster of MMFF films has more quality and the films seem to have improved greatly,” dagdag ni Mr. Atienza na agresibo sa pagtulong sa pelikulang Tagalog. Natutuwa rin siya na lahat ng producer ay naniniwalang may kalidad ang pelikula dahil lahat sila ay nag-submit for review hindi katulad dati na may dalawang producer na hindi nag-submit for review.

In fairness, wala ring nagreklamo ngayon. May pagkakataon kasing may nag-reklamo sa rating na ibinigay ng CEB.

This year, tatlong pelikula ang Graded A - Baler, Magkaibigan at Dayo habang Graded B ang lima - Tanging Ina N’yong Lahat, One Night Only, Iskul Bukol...20 Years After, Desperadas and Shake, Rattle and Roll X.

Last year, lima sa nine films ang graded ng CEB - Katas ng Saudi, Resiklo and Kasal, Sakali, Saklolo ang Graded A habang Banal at Desperadas ang Graded B.

Back in 2006, siyam na pelikula rin ang kasali at lima rin dun ang na-rate - Graded A ang Ligalig, ZsaZsa Zaturnnah at Kasal, Kasali Kasalo habang Graded B ang Shake, Rattle and Roll 8 at Super Noypi. Tatlo noon ang hindi na-grade at hindi nag-apply ang isa.

Naniniwala si Mr. Atienza, na alive and kicking pa ang industriya contrary sa sinasabi ng marami na tuluyan na itong nawawala.

Umaasa rin si Mr. Atienza na mas lalaki ang kita ng MMFF ngayong taon.

* * *

Sa rami ng publicity ni Dr. Hayden Kho ngayon, puwede na siyang tumakbong senador.

Hindi na niya kailangan ng advertising agency na magha-handle ng kanyang publicity kung saka-sakali dahil libre na agad.

Biglang sumikat si Dr. Hayden dahil sa isyu ng hiwalayan nila ni Dr. Vicki Belo at ng relasyon niya kay Katrina Halili na inamin niya sa TV.

Humabol pa siya bilang newsmaker ng 2008.

* * *

Ayaw magpa-quote ng isang taga-MMFF, pero base sa kanilang report, nangunguna sa ikatlong araw ng festival ang pelikula ni AiAi delas Alas - Ang Tanging Ina N’yong Lahat - P41 million, 2. Iskul Bukol...20 Years After P35.6 million, 3. Shake, Rattle and Roll P22.9 million, 4. Baler P15.2 million, 5. Desperadas P12.5 million, 6. One Night Only P2.7, 7. Dayo P2.2 million and Magkaibigan P1 million.

* * *

Dapat pala ay kasamang nag-perform si Karylle kagabi after ng filmfest award night sa Katy The Musical Concert, pero last minute daw ay nag-back out ito dahil naka-focus na agad ang publicity kina KC Concepcion at Jericho Rosales.

Feeling daw ni Karylle, support lang sila ayon sa isang source kaya ‘di na lang ito nag-join.

ANG TANGING INA N

CINEMA EVALUATION BOARD

DAYO

GRADED A

GRADED B

ISKUL BUKOL

MR. ATIENZA

ONE NIGHT ONLY

RATTLE AND ROLL

YEARS AFTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with