Actor nalamangan ng mayamang actress, mumurahing chocolate pinang-exchange gift
Ang feeling ng isang actor, naisahan siya ng actress na ka-exchange gift niya sa Christmas party ng show na pareho nilang nilalabasan. Ang usapan ay worth P500 ang exchange gift na sinunod ng actor at nagpa-impress pa nga siya na gift certificate from Zara ang ibinigay na more than P500 ang halaga.
Nang matanggap ang gift ng young actress, akala ng actor nakatsamba siya dahil mayaman ang actress, mamahalin ang mga gamit at may specialty store ang kanilang pamilya. Laking dismaya ng actor nang pagbukas ng regalo ng actress, chocolate lang na wala pang P300 ang laman ng box na maganda ang balot.
Sa inis ng actor, ikinukuwento ang kakuriputan ng actress at hindi siya magugulat ’pag nalamang hindi lang siya ang binarat ng actress sa regalo. Idinaan na lang sa biro ng actor ang karanasan at sana man lang, imported ang chocolate, pero locally made pa. Hahaha!
* * *
Maganda ang role ni Jennylyn Mercado sa One Night Only bilang dalagang may karelasyong tomboy na ginagampanan naman ni Manilyn Reynes. ’Katuwa ang twist ng character ng actress dahil in the end, sa tunay na lalaking si Joross Gamboa siya magkakagusto. In fairness, may kinilig sa kanilang dalawa’t may reaction sa eksenang nagpapa-tweetums sila sa isa’t isa.
Magiging busy na rin si Jennylyn sa taping ng TV remake ng Paano Ba ang Mangarap? na balik-tambalan nila ni Mark Herras. Sa December 29 na ang start ng taping ni direk Joel Lamangan para sa January 12, 2009 airing. Natsa-challenge si Jennylyn dahil role ni Vilma Santos ang kanyang gagampanan, sana raw, magawa niya ng tama ang mga eksena niya.
* * *
Awards night mamayang gabi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at malalaman kung mauulit ang nangyari last year na si Sen. Jinggoy Estrada ang tinanghal na best actor sa labas niya sa Magkaibigan. Ang paniwala naman ni Jinggoy, si Christopher de Leon ang mas may tsansang manalo’t mahusay sa lahat ng eksena at pinaiyak siya sa death scene nito.
Nagbiro si Jinggoy na tama na sa kanyang makilalang Rated A actor dahil graded A ang Magkaibigan at graded A rin ang Katas ng Saudi last year at nagpanalo sa kanyang best actor. Bonus na lang sa kanya kung mananalo pa siya.
Ayaw munang magsalita ni Jinggoy kung sasali ang Maverick Films sa MMFF next year, ang alam niya may ban sa election ang mga artistang tatakbo sa 2010 at six months ang sakop nito at aabot sa 2009 MMFF.
* * *
Sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5?, susubok manalo ng isang milyon ang professional lecturer na si Monaliza Adviento-Maghanoy, 25 years old at graduate ng Sports Science sa UP. Sapat kaya ang kanyang nalalaman para masagot ang 10 questions na magdadala sa kanya sa jackpot prize? Apat na araw na lang at Bagong Taon na, mabago kaya ang buhay niya?
Tumutok sa show hosted by Janno Gibbs at mapapanood sa GMA 7.
- Latest