^

PSN Showbiz

Richard gustong gumawa ng hard action movie

-

Kahit sa TV at pelikula, Richard Gutierrez defies typecasting. He can’t be placed in one mold, cast in de cajon parts. Ebidensiya ang mga ginampanan niyang roles sa pelikula at TV.

Naging birdman, snakeman, superhero, a mysterious martial arts fighter, suicidal son, isang bagets na hinahabol ng ghost, a cyborg, and international thief, a spoiled brat, janitor at marami pang iba. At hindi lang siya identified sa isang leading-lady. Naka-partner na niya sina Angel Locsin, Marian Rivera, Heart Evangelista and of course KC Concepcion.

At bago matapos ang taon, sinimulan nila ni KC ang shooting ng When I Met You na follow-up sa kanilang first tandem na For the First Time na blockbuster nang ipalabas ngayong taon. Ang bago nilang tambalan ay dinirek ni Joel Lamangan at produced ng Regal at GMA Films na isang romantic comedy.

Nauna nang nakatrabaho ni Direk Joel si Richard sa Mano Po habang ito naman ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina KC at Direk Joel.

Sa TV naman, siyempre siya ang gaganap sa Zorro next year sa GMA 7.

Sa kasalukuyan, host siya ng Full Force Nature na isang programa na nagmamalasakit sa kapaligiran.

Pero may pangarap pa ang aktor, nangangarap siyang makagawa ng isang hard-action movie where he’ll get the chance to show his martial arts expertise. “It will come in due time,” sabi ni Richard na gusto ring manalo ng award tulad ng kanyang daddy Eddie Gutierrez.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DIREK JOEL

EDDIE GUTIERREZ

FOR THE FIRST TIME

FULL FORCE NATURE

HEART EVANGELISTA

JOEL LAMANGAN

MANO PO

MARIAN RIVERA

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with