^

PSN Showbiz

Kuwento ng manager ni Marian kay Kris hindi totoo

- SCENE SEEN -

SEEN: Negang-nega si Katrina Halili. Tinawag siyang ahas, anaconda at Medusa ng mga hindi naniniwala sa kanyang alibi na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Dr. Hayden Kho.

SCENE: Malusog na malusog si Sharon Cuneta sa special participation niya sa Iskul Bukol…20 Years After. Ginawang katatawanan ni Sharon sa isang eksena ang kanyang katabaan.

SEEN: Naka-confine pa rin si Dr. Hayden Kho sa Makati Medical Center noong Linggo. Mali ang balita ng The Buzz na dinala sa Tagaytay si Hayden at wala na ito sa katinuan.

SCENE: Hindi na kasali sina Marvin Agustin at Heart Evangelista sa cast ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat dahil lumipat na sila sa GMA 7. Mga pictures na lang nila ang makikita sa filmfest movie ni AiAi Delas Alas.

SEEN: Mayuming kumilos ang child star na si Yuki. Malambot din ang kanyang boses. Si Yuki ang isa sa mga anak ni AiAi sa Ang Tanging Ina N’yong Lahat.

SCENE: Lumilitaw ang pangalan ng dating beauty queen na si Teresa Licaros sa mga babae na na-link kay Dr. Hayden. Nagkasama sina Teresa at Hayden sa Celebrity Duets 2.

SEEN: Hindi sinisiraan ng press si Marian Rivera. Ikinukuwento lang ng mga reporters ang kanilang bad experience kay Marian. Magkaibang insidente ang nangyari sa PM columnist na si Ernie Pecho at sa isang collector ng Philippine Star.

Hindi totoo ang version ng manager ni Marian na ikinuwento ni Kris Aquino sa The Buzz. Sinabihan ni Marian ng “istorbo” si Ernie nang magpapirma ito ng poster ng aktres.

Pinunit ng collector ng Philipine Star sa harap ni Marian ang poster nito nang tabigin niya ang kamay ng collector nang magpa-autograph ito ng poster.

vuukle comment

ANG TANGING INA N

CELEBRITY DUETS

DELAS ALAS

DR. HAYDEN

DR. HAYDEN KHO

ERNIE PECHO

HAYDEN

HEART EVANGELISTA

ISKUL BUKOL

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with