^

PSN Showbiz

Rufa Mae apektado sa sex video ni Dr. Hayden; AiAi personal na buhay ang ibinebenta

- SEEN SCENE -

SEEN : Pinalakpakan si Richie D’Horsey sa presscon ng kanyang filmfest entry sa Lucena City noong Biyernes. Pinalakpakan si Richie dahil sa sinabi niya na: “It’s good to be back…from jail.”

SCENE : Pang-best actor ang acting ni Wendell Ramos sa Desperadas 2. Natural na natural ang pagiging bakla ni Wendell sa pelikula.

SEEN : Si Richard Gutierrez ang escort ng ate niyang si Ruffa sa premiere night ng Desperadas 2. Nanood ang mga kapatid at magulang ni Ruffa ng pelikula niyang kasali sa film festival.

SCENE : Masipag mag-promote ng Baler si Phillip Salvador. Pinupuntahan niya ang lahat ng out-of-town promo ng Baler. Magaling si Phillip at maganda ang role niya sa Baler.

SEEN : Ang denial ni Rufa Mae Quinto. Hindi totoo na nagkaroon sila ng relasyon ni Dr. Hay­den Kho ngunit halata sa mga mata ni Rufa Mae na apektado siya ng sex video issue.

SCENE : Magkasabay sa Lunes ang premiere night ng One Night Only at ang press preview ng Baler.

SCENE : Ginagawa ni AiAi Delas Alas ang lahat upang mapag-usapan ang kanyang filmfest movie. Nalimutan ni AiAi na ang kagandahan ng pelikula ang dapat i-promote, hindi ang kanyang personal na buhay.

SEEN : Ipinakikita na sa mga sinehan ang trailer ng Status: Single ng Viva Films. Si Rufa Mae Quinto ang bida ng pelikula. Minadali ang trailer. Hindi pa pulido ang pagkakagawa.

SCENE : Gusto ni Dyan Castillejo na mag-audition sa susunod na season ng Amazing Race Asia. Si Chris Tiu ang kanyang tina-target na makapareha.

AMAZING RACE ASIA

DELAS ALAS

DESPERADAS

DR. HAY

DYAN CASTILLEJO

LUCENA CITY

ONE NIGHT ONLY

PHILLIP SALVADOR

PINALAKPAKAN

RICHIE D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with