^

PSN Showbiz

Dr. Hayden nawawala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kung ako ang tatanungin, mas type ko na puntahan ang mga press previews kesa red carpet premiere ng mga pelikula.

Hindi ako nakaka-focus sa panonood ng sine kapag maingay ang mga fans. Hindi katulad sa press preview na tahimik ang press habang nanonood dahil talagang ninanamnam nila ang bawat eksena ng pelikula.

May nagtsismis sa akin na sobrang ingay ng mga fans na pumunta sa premiere night ng Desperadas 2. Wala sa lugar ang kanilang pagtili, basta masabi lang na nag-react sila sa pag-apir sa widescreen ng mga artista na sinusuportahan nila.

Happy si Mother Lily Monteverde dahil pinuri ng manonood ang Desperadas 2. Sulit daw ang malaking gastos niya sa pelikula.

* * *

Na-miss ng mga fans ang paglakad sa red carpet ng mga artista. Nagrereklamo sila dahil sa backstage at hindi sa red carpet dumadaan ang mga artista.

Nagugulat sila dahil bigla na lang nasa stage ang mga artista na kanilang hinihintay. Parang natatakot ang mga artista na lumapit sa kanila eh hindi naman daw sila mananakit.

Hoping ang mga fans na ibabalik ang dating sistema ng mga premiere night. Ang makita nila sa malapitan ang mga artista habang rumarampa sa red carpet. 

* * *

Hindi ko na alam ang latest news tungkol sa lumalabong mata ni Tiya Pusit pero alam ko na marami ang tumutulong sa kanya para maipa-opera siya.

May kaibigan si Tiya Pusit na nagpadala sa kanya ng datung. Nakatira sa Amerika ang friend ni Tiya Pusit at nang malaman niya na may problema sa mata ang komedyana, may-I-send siya ng help.

Sa totoo lang, marami pa rin ang mabubuting tao na handang tumulong sa mga nangangailangan.

Katulad noong Biyernes, pinasaya ng S Magazine staff ang deaf and mute children. Binigyan nila ng Christmas lunch ang mga bagets at nag-imbita sila ng mga artista na magpapasaya.

Tuwang-tuwa ang mga bagets nang makita nila sina Kiko Rustia at Marlon Carmen ng Survivor Philippines. Nakiawit sila kay Aiza Seguerra na nagpaunlak ng apat na kanta. Parang nagkaroon ng mini-concert si Aiza na kabilang sa mga artista na may mabuting kalooban.

Idea ni Wilson Lee Flores na bigyan ng free Christmas lunch ang mga bata na bingi at pipi. Columnist si Wilson ng Philippine Star at siya ang editor-in-chief ng S Magazine.

Likas kay Wilson at sa staff ng S Magazine ang pagiging matulungin. Ka-join niya sa pag-aasikaso sa mga bagets sina Susan De Guzman at Shirley Pizarro na mga editors din sa S Magazine.

Nagpapasalamat sina Wilson, Susan at Shirley sa Jollibee dahil ito ang nag-provide ng pagkain at sa mga sponsors na nagpadala ng mga regalo para sa mga bata na may kapansanan pero maganda at positibo ang pananaw sa buhay.

* * *

Walang nakakaalam sa kinaroroonan ni Dr. Hayden Kho kaya walang kuwento na mabuo ang staff ng mga showbiz talk shows.

Hindi naman nila mainterbyu si Dr. Vicki Belo dahil pinaninindigan nito ang desisyon na huwag magsalita.

At dahil walang nagsasalita, lalong dumarami ang mga kuwento at nagiging imposible na ang version.

Sa mga nagmamalasakit sa doktora, wala kayong dapat ipag-alala dahil moving forward siya. Okey na okey siya at very peace with herself. Yun lang!

AIZA SEGUERRA

ARTISTA

DAHIL

DESPERADAS

DR. HAYDEN KHO

DR. VICKI BELO

KIKO RUSTIA

S MAGAZINE

TIYA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with