Iza nagpagatas sa harap ng maraming tao
Narinig naming nag-dialogue si Iza Calzado ng “nakalulungkot naman,” sa nangyari sa presscon ng Desperadas 2, kung saan, biglang natapos ang presscon na nagmamadaling umuwi si Marian Rivera after umiyak sa harap ng press.
Masaya nga namang nagsimula ang presscon sa pagpapatawa ni Ogie Alcasid at mga sagot pero natapos sa kaguluhan. Hindi na sila na-interview ng maayos at ang mga love interest nilang sina Jay-R, TJ Trinidad at Christian Vasquez ay biglang nawala na rin.
Ang maganda lang sa nangyari, hindi na masyadong naurirat si Iza sa break up nila ni Jerry Garcia at nagulo na nga ang press. Sabagay, ayaw din naman niyang pag-usapan pa ang tungkol do’n at personal na bagay na. Ang amang si Lito Calzado tuloy ang natanong.
Anyway, nakakatuwa rin ang mga eksena ni Iza sa Desperadas 2 at kuwela yung nag-aalis siya ng gatas sa boobs niya in public. Kaya lang, naniniwala pa rin siyang si Ogie ang pinakamagaling sa kanilang lima at malaki ang chance na manalong best actress.
Samantala, kung may pinagkakaabalahan si Iza ngayon, ito’y ang pagpapaayos sa nabiling bahay kay Rufa Mae Quinto. Bago magtapos ang buwang ito, sisimulan na ang pag-aayos sa bahay at gusto niya, bago lahat ang furniture at iba pang gamit sa bahay. Ayaw nitong isipin kung magkano aabutin ang magagastos bago siya makalipat.
* * *
Inurong ni Alessandra de Rossi ang pagpunta sa Italy para roon mag-Pasko at Bagong Taon at gustong dumalo muna sa premiere night ng One Night Only sa December 22. Kung mag-iimbita ng press ang OctorArts Films at kung the same press people na nasa controversial presscon ang darating, tiyak na magkikita-kita sila ni Alex. Magka-dedmahan kaya?
Sabay na ginawa ni Alex ang One Night Only at Tayong Dalawa, primetime soap niya sa ABS-CBN na malapit nang umere. Binisita namin ang site ng soap sa multiply at naintriga kami sa pahayag ng actress na ang nasabing project ang rason kung bakit siya lumipat sa Dos. Sinundan pa niya ito sa sinabing wala siyang nakitang problema sa Dos dahil walang nagmaldita at masama ang ugali. Tiyak na si Rhian Ramos ang pinatamaan niya.
Bago kay Alex ang role niya sa Tayong Dalawa na isang GRO na na-in love kay Gerald Anderson. Kinakabahan siya sa outfit niya na karamihan sexy at plunging neckline pa, eh, wala raw siyang boobs na ipapakita. Hindi nga ba’t iniipit nito ang dibdib para magka-cleavage lang? First time rin niyang magkokontrabida na mahirap ang role niya.
* * *
Ang alam namin, hindi ginagamit ng Moymoy Palaboy ang natural nilang boses ’pag lumalabas sila in public, pero sinira ng magkapatid ang rule nilang ito nang umapir sila sa launching ng OST o Original Soundtrack ng Dayo sa Mundo ng Elementalia. Bukod sa nagsalitang gamit ang natural na boses, kumanta pa ang duo na napapanood sa Bubble Gang.
Official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Dayo, sa direksyon ni Robert Quilao at produced ng Cutting Edge Productions na tila ginastusan ng P70 million.
- Latest