Rufa Mae gustong magkaanak kay Jon Avila
Nakatutuwa itong si Rufa Mae Quinto, hindi patatalo sa apat na kapatid niya sa Desperadas 2 (Ruffa Gutierrez, Marian Rivera, Iza Calzado at Ogie Alcasid) ng Regal Films pagdating sa kuwento. Ang maganda sa kuwento niya, marami ang totoo, kundi man lahat.
Tulad ng kawalan niya ng karelasyon sa ngayon. Hindi naman siya lonely dahil hindi naman siya nawawalan ng project.
“Ewan ko ba, eto na yata ang kapalaran ko. Kapag may lovelife ako, hindi ako gaanong busy pero, kapag zero, hindi ako magkandaugaga. Okay lang naman sa akin dahil mahirap mag-focus sa work kung may iba akong iniisip. Sa ngayon, friendship na lang muna ang gusto ko,” sabi niya.
Sa kabila ng kanyang pagiging liberated, makaluma pa rin siya dahil ayaw niyang magka-anak out of wedlock.
“Girl, alam mo wala akong father. Gusto ko namang ma-feel ng mga magiging anak ko kung paano magkaroon ng father figure sa pamilya,” paliwanag niya.
Nang tanungin siya kung sino ang gusto niyang maging ama ng magiging anak niya, sinabi niyang si Jon Avila, ang aktor na isa sa pitong katambal niya sa Singles ng Viva.
“Hindi pa naman kami, nagti-text text pa lamang kami,” pagtutuwid niya.
Kung maganda ang naging record ng Desperadas 1 sa takilya nun, mas malaki ang expectation di lamang ng Regal kundi maging ng apat na babaeng star nito dahil may isang bagong karagdagan sa cast at sa kuwento, si Ogie Alcasid na gumaganap na kapatid ng apat na babae.
Hindi bading ang role ni Ogie kundi isang tunay na babae at sabi ng apat na babaeng bida, ang galing-galing nito, muntik silang masapawan. But then walang puwedeng magkwestyon sa galing ni Ogie sa komedi. Maski sa presscon, nagawa niyang pasiyahin ang lahat, press and his co-stars, nang dumating siyang naka-costume.
* * *
Kung nung nakaraang taon ay si Lani Misalucha ang naging finale ng MMFFP Awards night, sa taong ito, isang tribute concert kay Katy dela Cruz, isang malaking star ng entablado na mas kilala nun sa tawag na bodabil ang magsisilbing wakas ng MMFF 2008.
Ang Katy! A Musical Concert ay tatampukan ng pinakamaningning na pangalan sa local showbiz sa pangunguna nina Jericho Rosales at KC Concepcion kasama sina Bituin Escalante, Aicelle Santos, Dulce, Eugene Villaluz, Frenchy Dy, Gabriel Valenciano, Sitti, Gian Magdangal, Jonalyn Viray, Maricris Garcia, Mitch Valdez, Rachel Alejandro at Jennylyn Mercado.
Sa isang pakikipag-usap kina Echo at KC, sinabi nila na bagaman first time nilang magkasama sa trabaho, hindi sila nahirapang mag-adjust sa isa’t isa.
“She’s cool but she asks so many questions. Bumababa rin pala sa pedestal niya ang prinsesa, (referring to Mega’s daughter) at mahilig magtago (palaging nasa likuran niya si KC habang ginaganap ang interview na ito,” imporma ni Echo.
“Echo is fun, pala-kwento,” ani KC naman.
Both have undergone rehearsals, apat na oras si KC at dalawa naman si Echo who is also busy with the post production works for his MMFFP entry, Baler for Viva Films together with Anne Curtis. Open si KC sa pagsasabing gusto niya itong mapanood.
Medyo may kamahalan ang tiket ng Katy na mapapanood sa Sofitel Philippine Plaza Manila Sa Dis. 27, 8:30 NG., P10,000, P15,000 at P20,000, pero naniniwala ang MMFFP Execom na hindi magiging mahirap ang pagbebenta ng tiket dahil maganda ang musika nito na kinatha ni Ryan Cayabyab at ginawan ng libretto ni Jose Javier Reyes. Una itong ipinalabas 20 years na ang nakakaraan. Malaki rin ang cast.
Ang mga babaeng singer na una nang nabanggit ay pawang gaganap ng Katy at kakantahin ang mga awitin niya.
Hindi man naabutan ng halos lahat ng performers si Katy dela Cruz, lalo na si KC, nabigyan naman nito ng justice ang pag-awit nila ni Echo ng isa sa pinaka-magandang duet na nalikha ni Ryan para sa nasabing musical.
- Latest