Fans ayaw paawat
May unsolicited advice ako sa fans na halos makipagpatayan sa pagtatanggol sa kanilang mga hinahangaan na artista.
Hindi kasalanan ang humanga pero hinay-hinay kayo. Huwag masyadong magpadala sa emosyon.
Kung nagpakita sa inyo ng kabaitan ang isang artista sa minsan na pagkikita ninyo, good ‘yon pero kung marami na kayong naririnig na pangit na balita tungkol sa inyong mga hinahangaang artista, mag-isip-isip kayo. Kaya nga artista ang tawag sa kanila dahil marunong silang umarte.
Okey sana kung pag-arte lang sa harap ng kamera ang mga talent nila. Eh paano kung umaarte rin sila, off-cam as in hindi nila ipinakikita ang tunay na ugali sa harap ng mga tao. Kaplastikan na ang tawag doon.
Good example ang fans ng isang dating sikat na aktres. Handang makipagpatayan ang kanyang fans kapag may negative news tungkol sa kanya. Sinisiraan daw ang kanilang idol dahil sikat ito. Kinaiinggitan lamang daw ang aktres.
Ang ending? Nasangkot sa sangkatutak na eskandalo ang aktres. True pala ang mga tsismis tungkol sa kanya. Na-turn off ang fans niya. Nagsisi sila. Nanghinayang sila sa pagsamba at pagtatanggol na ginawa nila sa aktres.
Ilang dekada na ako sa showbiz. Maraming artista ang dumating at nawala na. They come and go. Kung may natira man, sila ‘yung nagtataglay ng magagandang ugali, likas na talented at hindi abusado.
* * *
Napagtripan ako ng mga mahilig sa computer photoshop. Tama ba na ilagay ang face ko sa katawan ni Daniel Craig at gawing Quantum of Solis ang Quantum of Solace?
Hindi naman ako na-offend nang makita ko ang picture. Natawa pa nga ako. Kakaiba talaga ang imagination ng mga Pilipino.
* * *
Mamayang gabi ang Christmas party ng PSN at PM. Invited ako kaya go ako. Maaga akong pupunta sa Maynila dahil siguradong tatamarin ako kapag inabot ako ng trapik at takip-silim. Takip-silim talaga ‘ha?
First time ko na dadalo sa Christmas party ng PSN/PM mula nang maging kolumnista ako. Thank you uli kay Papa Miguel Belmonte dahil siya ang nag-imbita sa akin para maging kolumnista ng PSN. Without him, I am nothing! Merry Christmas Papa Miguel!
* * *
May contribution si Edgar Santi tungkol sa mga diva sa Pilipinas. Ipinadala niya sa akin ang listahan ng kanyang mga diva noon at ngayon. Halatang mahilig sa music si Edgar dahil natatandaan pa niya ang mga name ng mga singer na nawalan na sa aking kamalayan.
Lolit, you may mention this in your column as a reprise sa mga nag-aarteng mga divas, pero divale na lang. Diva meron naman talagang mga tunay na divas? Look at the list below. Oh ano, hindiva? In my opinion, the following are the authentic divas and divos...
The Divas Today: Kuh Ledesma, ZsaZsa Padilla, Regine Velasquez at Lani Misalucha.
The Original Divas: Pilita Corrales, Carmen Soriano, Merci Molina, Carmen Pateña.
The Fabulous Divas: Helen Gamboa, Jeanne Young, Vilma Valera, Gloria Selga.
The Cool Divas : Norma Ledesma, Carina Afable, Linda Magno, Amapola.
Tawag ng Tanghalan Divas/Divos: Nora Aunor, Diomedes Maturan, Jr., Novo Bono, Jr., Elizabeth Ledesma.
- Latest