^

PSN Showbiz

Baler nakakabilib; Magkaibigan nakakaiyak!

-

Parehong maganda ang unang dalawang peliku­lang ni-review namin sa Cinema Evaluation Board (CEB) kahapon - Baler starring Anne Curtis and Jericho Rosales ng Viva Films at Magka­ibigan ng Maverick Films ni Jinggoy Estrada.

Malinis ang pagkakagawa ng Baler na kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Baler, Aurora. Nakita rin ang ganda ng nasabing probinsiya at talagang ginastusan. Ang dami ring extra at nakakabilib ang ginawa ng Viva sa location na nagmukha noong 1989 kung saan naganap ang Baler siege.

Hindi rin mabigat ang kuwento ng pelikula kaya hindi boring panoorin. Naka-focus sa kuwento ng pag-iibigan nina Feliza (Anne) at Celso (Jericho) ang kuwento noong panahon ng Español.

Pare-parehong magaling ang akting nina Anne, Jericho at lalo na sina Phillip Salvador at Carlo Aquino.

Maigisi lang ang papel ni Michael de Mesa bilang isang pari. Namatay agad siya sa kalagitnaan ng pelikula kaya mas lumutang ang akting ng anak niyang si Ryan.

Basta panoorin n’yo na lang ang Baler na kasama sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na showing sa December 25.

Iyakan naman ang lahat sa Magkaibigan nina Sen. Jinggoy Estrada, Christopher de Leon, Dawn Zulueta at Maricel Laxa. Exceptional ang acting nilang lahat at contender for best actor sina Jinggoy at Boyet.

Bagay sa kanilang lahat ang role.

 Ayoko nang magkuwento, basta panoorin n’yo na lang.

Parehong Graded A ng CEB ang pelikula.

* * *

Speaking of MMFF, hindi open sa public ang gaganaping awards night ng MMFF.

Hindi ito katulad ng nakagawian na nating awards night na dinadagsa ng mga fans.

Nagbago sila ng format, mas maaga ang awards night dahil solong-solo raw ng mga nanalo ang moment pag tinawag silang nanalo.

Pagkatapos ng seremonyas, ipapalabas agad ang Katy The Musical, na pangungunahan nina KC Concepcion at Jericho Rosales.

Magarbo ang production ng nasabing musical presentation base sa kuwento ni Direk Freddie Santos. Bukod kina KC at Jericho, maraming iba pa ang kasama sa production tulad nina Rachel Alejandro, Celeste Legaspi (na original na nag-portray sa namayapang reyna ng bodabil) katulong si Mr. Ryan Cayabyab sa musika.

Actually, sa mga taong involve pa lang, mukhang malaki na ang production cost kaya parang teka, makakalikom kaya sila ng target amount na gusto nilang itulong sa industriya ng pelikula? Ang sabi ni Mr. Wilson Tieng, producer ng show, hindi lang naman sila aasa sa ticket sales kundi marami silang sponsors at magkakaroon ito ng airing sa TV na sigurado na ang kita.

Hindi rin pang-masa ang halaga ng ticket - P20,000, P10,000 and P5,000 kaya mga producer ng pelikula lang na kasali sa MMFF ang siguradong makaka-afford na bumili ng ticket.

Gaganapin sa Hotel Sofitel and awards night/musical show sa December 27.

Sinimulan nila ito noong nakaraang taon.

* * *

Tuloy na ang shooting ng Save The Best For Last nina KC Concepcion at Richard Gutierrez next Friday sa Palawan. Si Direk Joel Lamangan na ang ipinalit sa nag-resign na si Direk Jose Javier Reyes.

Tuluy-tuloy na ang shooting nila at katunayan ay mapapanood na natin sa mga sineng ipapalabas sa Metro Manila Film Festival ang trailer ng Save The Best for Last.

Christmas break lang ang pahinga at magri-resume na naman sila ng shooting. By January tapos na ang movie.

Magkakaroon na sila ng pictorial this week at storycon the other day sa GMA 7.

Ito na ang pang-limang pelikula ni Richard na pang-Valentine. Nauna na niyang ginawa ang Let The Love Begin, I Will Always Love You, The Promise, BFGF at ito ngang Save The Best for Last.

In fairness, siya ang favorite ‘Valentine date’ dahil lahat ng ginawa niyang pelikula na palabas tuwing araw ng mga puso, pumatok. (SALVE V. ASIS)

ANNE CURTIS AND JERICHO ROSALES

BY JANUARY

CARLO AQUINO

CELESTE LEGASPI

CINEMA EVALUATION BOARD

JINGGOY ESTRADA

LANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PELIKULA

SAVE THE BEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with