Valet sa isang club sa Las Vegas: Singer ikinahihiya ang trabaho sa Amerika
Sinabi ni Rachel Lobangco na nami-miss din niya ang paggawa ng movies. Pero habang hindi pa siya humaharap ng kamera ay pinagkakaabalahan niya ang pagiging nanay sa kanyang nine year old daughter na nakuha ang kulay at taas niya. Pagdating nito ng edad 15 ay dalagang-dalaga nang tingnan pero, hindi pa niya alam kung papayagan niya itong mag-artista rin. Ang gusto niya ay makatapos ito ng kanyang pag-aaral. Hatid sundo niya ang anak sa St. Paul.
Nanay na nanay na ang ayos ni Rachel ngayon, walang make-up, naka-pony tail lamang pero mapapalingon at mapapalingon ka kapag nakasalubong mo siya. Andun pa rin ang appeal, ang kaseksihan pero bihira mo siyang makikita na hindi karay-karay ang only daughter niya.
Rachel is into photography now, mayroon siyang photo exhibit, ang Women of Fleq, na ginaganap sa One Work Shop Gallery sa Makati. Mahigit 60 photos niya ang naka-exhibit. Hindi ito basta mga photos dahil pinintahan niya ang lahat ng photos.
Bukod sa photography, the sexy lady is also into fire dancing. Sa ngayon pinag-aaralan niyang mabuti kung paano mag-blow at kumain ng apoy. Panoorin n’yo siya sa Babae…Stronger concert sa Music Museum sa Dec. 18 para malaman kung ano itong bagong talent niya.
***
Happy si Jennica Garcia na patuloy ang pagganda ng career niya. Kahit may loveteam siya, hindi nalilimita ang kanyang mga role sa mga pakilig-kilig na dulot ng pakikipag-loveteam. Gaya rito sa Shake Rattle & Roll X ng Regal Films para sa Metro Manila Film Festival Philippines ay napasabak siya sa aksyon.
“Mayroon akong eksena ditong sumuntok ako sa bamboo, akalain mo tumunog ang laman ko ba ‘yun o buto? Ang payat-payat ko kasi. Pero, kahit nasaktan ako enjoy ako. At least ibang experience naman yun,” sabi niya.
***
At least nakita ng mga Pinoy sa Tate na pagdating sa professionalism, second to none tayo. Kahit pilay at naka-benda ang paa, pinaligaya sila ni Marian Rivera sa pamamagitan ng pagsasayaw nito sa katatapos na concert nila ni Dingdong Dantes dun. Puwede nang hindi magsayaw ang aktres dahil pilay nga siya pero ayaw niyang biguin ang mga fans kaya dance to death siya, ‘yun nga lang siguro ingat na ingat siya kundi man hirap na hirap.
Napapanood n’yo ba ‘yung trailer ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang parang kakaiba sa mga ginawa na nila ni Dingdong. Ngayon pa lamang excited na ang mga fans nila na mapanood ito.
***
Bakit ba maraming Pinoy ang nahihiyang makita na gumagawa ng mga trabaho sa US na hindi nila ginagawa rito?
May isang kilalang Pinoy singer daw na nagtatrabaho bilang valet sa isang club sa Las Vegas. Nakita siya ng isang Pinoy na nagbabakasyon dun, aba ay nagkaila ito at nagsabi ng ibang pangalan, sabay salita ng salitang banyaga.
Meron din daw isang sikat na entertainment writer na nagtatrabaho bilang elevator girl sa isang sikat na hotel. Kapag tinanong mo raw kung Pinay siya, ipinagkakaila niya at sinasabing Meksikana siya.
Buti pa yung mga Kano, kahit anong trabaho nila ipinagmamalaki nila. Bakit tayong mga Pinoy, nahihiya?
***
Bukod sa magagandang movies sa MMFFP, magiging mahigpitan din ang labanan sa movie theme song. Kung nagandahan na ako sa theme song ng Baler ng Viva Films na inawit ni Sarah Geronimo, maganda rin ‘yung theme song ng Dayo, ang nag-iisang animated movie sa MMFFP, ang Lipad na inawit naman ni Lea Salonga.
In fairness, mukhang magaganda ang mga entries natin ngayon sa MMFFP tulad ng Desperadas 2, Dayo, Baler, Ang Tanging Ina Nyong Lahat, Iskul Bukol, Shake Rattle & Roll X at dalawa pang nakalimutan ko ang titulo. Sana lahat ay kumita para buhay muli ang industriya.
- Latest