^

PSN Showbiz

Larong pinoy inilunsad ng JJ

-

Sa ikalawang sunod na taon, inilunsad ng Johnson’s Baby Powder ang programa na Larong Pinoy para turuan ang mga bata ng tamang asal sa pamamagitan ng iba’t ibang palaro.

Sa programang Larong Pinoy ng Munting Bayani matututunan ng kabataang Pinoy ang kahalagahan ng pakikipagtulungan, pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, paggalang at pakikipagkapwa tao at tamang asal sa pamamagitan ng tradisyunal na larong Pinoy gaya ng luksong tinik, tumbang preso, patintero at sipa. Umaasa ang Johnson’s Baby Pow­der na matutulungan nito ang mga ina ng tahanang palakihin ang kanilang mga anak bilang mga munting bayani sa makabagong panahon

Kailan lang ay pinangunahan ng kilalang tv host, sports enthusiast at ina ng tatlong chikiting na si Suzi Abrera, ang isang pagtatanghal ng dance presen­tation ng kabataan mula sa Creative Space Learning Center. Ipinakita sa sayaw na tinuro ni Creative Space Director Auchee Villarza ang mga larong Pinoy pati na rin ang aral na mapupulot nila sa paglalaro ng mga ito.

Kasama sa mga nakisaya sila Olympian Bea Lucero-Lhullier, parenting counselor Maribel Dionisio at Second Mom Preschool Directress Jenny Banal. Andoon rin si Akiko Thomson, kilalang taga-suporta ng pagkamulat ng kabataan sa sports kahit sa murang edad.

Dinadala na ng mga pasimuno ang palaro sa iba’t ibang paaralan at barangay sa buong bansa para maiparating sa lahat ang kahalagahan ng sports sa kamulatan at paglaki ng kabataan na siyang pag-asa ng bayan sa darating na panahon.

AKIKO THOMSON

AUCHEE VILLARZA

BABY POW

BABY POWDER

CREATIVE SPACE DIRECTOR

CREATIVE SPACE LEARNING CENTER

LARONG PINOY

MARIBEL DIONISIO

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with