'Tama sana ang desisyon ni Karylle'
Sana nga tama yung pasya ni Karylle na lumipat ng network, baka nga naman sa pamamagitan nito ay mas madali niyang makakalimutan si Dingdong Dantes. Mahirap nga naman yung may ginagamot kang sugat ng puso pagkatapos palagi mong nakikita ang taong nakasakit. Sa pagpunta niya sa kabila, mas madali siyang makakalimot, dahil bukod sa bihira na niyang makikita ang ex-boyfriend, marami pa ring work na kakain ng kanyang panahon.
May nagtatanong nga pala kay Karylle kung nagpaalam ba siya bago siya nagpasyang lumipat sa kabila kay Dingdong.
“Hindi na kami nagkakausap madalas lately.At saka hindi naman siya nagtatanong,” ang sagot ng singer-actress.
Good luck Karylle, huwag mong pabayaan ang sarili mo.
* * *
All praises naman si direk Mark Meily sa naging performance ng nagbabalik na si Jao Mapa sa Baler, pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Viva Films. Lumutang daw ang galing nito sa isang malaking eksena na ginawa niya sa napakalaking pelikula na nagtatampok kina Jericho Rosales at Anne Curtis.
Tumigil pala siya ng pag-aartista para tapusin ang kanyang pag-aaral ng fine arts major in advertising. Nag-asawa rin siya at ngayon ay mayro’n namang tatlong anak.
* * *
Akala ng marami na porke sexy ang costume ni Shaina Magdayao sa bago niyang teleseryeng Dragonna ay magpapa-sexy na itong talaga. Tuloy tinatanong nila siya kung magpo-pose na rin siya sa mga men’s magazines.
“Naku, hindi pa po ako handa para rito. Tama na muna yung sa Dragonna,” sabi niya.
* * *
Habang nagdadalaga, lalong nakakamukha ni Jennica Garcia ang kanyang inang si Jean Garcia. Magiging mas matangkad lang siguro ang anak kesa sa ina. Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan siya gagaya sa kanyang ina ang pumayag mag-cover sa men’s magazines. Ayaw pala niya, wala raw siyang boobs at walang balak magpa-enhance.
Ayaw din niyang sumali sa beauty contest dahil mahiyain siya, ’di kayang rumampa ng naka-bathing suit sa harap ng malaking audience.
Kung sabagay no need, marami naman siyang projects at unti-unti nang lumalaki ang kanyang pangalan. Kuntento na siya rito. Kasama nga pala siya sa Shake Rattle & Roll X.
- Latest