^

PSN Showbiz

Dawn limang balut ang kayang kainin

-

 Wala na ang mga kontrobersyal na pasa at sugat sa braso ni Roxanne Guinoo nang humarap sa press sa presscon ng Shake, Rattle & Roll X, pero halata sa mga mata nito at tono nang salita na may pain pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Jake Cuenca.

Paulit-ulit ang pakiusap ni Roxanne sa press na tigilan na ang mga tanong about Jake at sila na lang daw ang mag-uusap, ayaw lang paawat ng mga reporter. Hindi na sila nagkikita ng actor, pero willing siyang makatrabaho ito.

“Wala akong inuurungang trabaho, pero hang­gang du’n na lang ‘yun. Final contract na ang nangyari sa amin after one year at no renewal na ‘yun. Hindi naman ako nagka-phobia sa kanya, ayoko na lang siyang pag-usapan at wala na rin kaming communication,” say nito.

Bida sina Roxanne at JC de Vera sa Emergency episode ng movie at tinawanan nito ang tsikang secret lovers sila ng actor. Friends lang daw sila nito at nagkaroon ng bonding sa shooting ng episode nila at ‘di siya nahirapang katrabaho ito unlike Dennis Trillo na nagkailangan daw sila.

* * *

Almost two months pregnant na si Dawn Zulueta, kaya posibleng ang Magkaibigan ang last movie niya pansamantala. Kababalik lang niya sa pag­gawa ng pelikula at magpapahinga na naman siya dahil priority niya ang ipinag­bubuntis.

Nakakaranas na ng morning sickness si Dawn at nagki-crave ng maaalat at maaasim na pagkain gaya ng sampalok, champoy at nakakaubos siya ng limang balut sa isang kainan, pero ‘di niya kinakain ang sisiw. Nahihilig din siya sa soft drink, gayung hindi siya cola drinker. Right time sa kanyang sundan ang panganay dahil 39 years old na siya.

Kuwento ni Dawn, marami siyang movie offers na tinanggihan at ang Magkaibigan lang ang kanyang nagustuhan. Ang magandang istorya, good casting si direk Joey Reyes ang director at ang makasama sina Christopher de Leon, Maricel Laxa at Sen. Jinggoy Estrada ang kinonsider ni Dawn in accepting the project, bukod sa entry sa Metro Manila Film Festival.

* * *

Seksi-seksihan si Jennica Garcia sa presscon ng Shake, Rattle & Roll X at tinanong namin ang boyfriend nitong si Mart Escudero kung okey lang sa kanya ang suot ng young actress? Hindi raw problema sa kanya kahit ano isuot nito basta dahil sa trabaho, pero ibang usapan kung rarampa lang ito at ganu’n kaseksi ang suot.

Magkasama ang dalawa sa Nieves episode ng SR&R X at dahil successful ang loveteam, tiyak na marami pa silang projects together. Mas maganda raw kung magkasama sila sa trabaho’t naaalagaan nila ang isa’t isa.

Narinig naming kinuwento ni Mart na makikipaglibing sila kay Marky Cielo sa Tuesday, December 16. Magko-convoy daw sila ng ibang mga kaibigan ni Marky na ililibing sa garden sa likod ng bahay nila sa Mt. Province.

* * *

Sa Gagambino, nagdadalamhati si Leah (Glaiza de Castro) sa pagkamatay ng ina, samantalang papatayin na ni Abresia (Jean Garcia) si Bino (Dennis Trillo). Hihingi ng tulong si Zandro (Leo Martinez) kay Gambee na tulungan si Bino. (Nitz Miralles)

DAWN ZULUETA

DENNIS TRILLO

JAKE CUENCA

JEAN GARCIA

JENNICA GARCIA

JINGGOY ESTRADA

JOEY REYES

LANG

ROLL X

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with