^

PSN Showbiz

Dahilan ng kamatayan ni Didith 'di pa alam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi tinatablan ng jetlag si Manny Pacquiao. Kita n’yo naman, ratsada ang schedule niya kahapon itsurang pagod siya sa mahabang biyahe mula sa Amerika.

Hindi binigo ni Manny ang mga fans niya na mati­yagang naghintay sa kanyang pagdating sa Cen­tennial Airport at sa Quiapo Church.

‘Yung ibang mga hindi nakapunta sa Quiapo, dumi­retso sa studio ng GMA 7 sa Quezon City dahil nabalitaan nila na live guest si Manny sa SiS.

Bayaning-bayani ang trato ng mga Pilipino kay Manny dahil sa karangalan na ibinigay niya sa ating bayang magiliw. Siya na ang greatest fighter of this generation.

Malapit na ang 30th birthday ni Manny. Magka­karoon siya ng bonggang birthday party sa piling ng kanyang mga kababayan sa General Santos City. Invited ang buong bayan!

* * *

Dadalhin ni Manny sa Amerika ang kanyang nanay na si Aling Dionisia. Hindi pa nakakarating sa USA ang ina kaya aayusin na ni Manny ang kanyang passport at VISA application.

Siyempre, tuwang-tuwa si Nanay Dionisia. Never pa siyang nakakarating sa Amerika kaya excited na siya sa US trip na ireregalo sa kanya ni Manny.

Palaging sa Las Vegas ang laban ni Manny. Hang­gang sa TV lang nakakapa­nood si Nanay Dionisia ng mga laban ni Manny dahil wala pa siyang US Visa.

Malayo man siya sa kanyang anak, taimtim ang mga dasal ni Nanay Dionisia kapag may laban si Manny. Alam niya na malaking tulong ang kanyang mga dasal kaya win si Manny sa mga laban nito.

* * *

Nagkita kami kahapon ni Aster Amoyo sa Christ­mas party ng Belo Essentials para sa entertainment press.

Ikinuwento sa akin ni Mama Aster na hindi niya matawagan ang anak ni Didith Reyes dahil nagpalit ito ng cellphone number.

Gustong makibalita ni Mama Aster sa anak ni Didith sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.

Malamig na ang katawan ni Didith nang matag­puan ito ng kanyang kaibigan na tinutuluyan niya sa Biñan, Laguna.

Hindi pa alam ng mga pulis ang dahilan ng pagka­matay ni Didith dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon ng SOCO.

Huli kong nakita si Didith sa Timog Avenue. Naglala­kad siya nang makita niya ako. Siya pa nga ang unang bumati sa akin.

Marami ang nanghihinayang sa nangyari kay Didith. Sikat na sikat siya noon. In demand siya na singer at nakagawa pa siya ng mga pelikula.

Nagbago ang magandang kapalaran ni Didith dahil nalulong siya sa alak. Naghirap siya at nakitira na lang sa mga kaibigan.

Nagtatrabaho si Didith sa isang parlor sa Quezon City. Si Mama Aster ang tumulong sa kanya para mag­karoon ng trabaho. Hindi lang ako sure kung nagtagal siya sa parlor na pinapasukan. Ipagdasal natin ang kapayapaan ng kaluluwa ni Didith.

* * *

May lahing Igorot si Marky Cielo. Ang balita ko, may mga ritwal na ginagawa ang mga Igorot kapag namamatayan sila ng mga kamag-anak at kaibigan.

Nakapanghihinayang ang maagang pagpanaw ni Marky. Palagi kong naiisip ang paglapit niya sa akin sa Startalk noong Sabado. Nagulat pa nga ako dahil bigla siyang bumeso sa akin habang nakatalikod ako. Ipagdasal din natin ang kapayapaan ng kaluluwa ni Marky.

vuukle comment

AMERIKA

DIDITH

KANYANG

MAMA ASTER

MANNY

NANAY DIONISIA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with