^

PSN Showbiz

Jomari ipo-produce ang U2 at Madonna concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May title na ang na­sulat namin dati na pre-Valentine concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez na ipo-pro­duced ni Jomari Ylla­na. Missing You ang title na gagawin sa Feb­ruary 6, sa Araneta Coliseum to be directed by Rowell Santiago.

Ang Fearless Pro­ductions nina Jomari at Rep. Ronald Singson ang nasa likod nito.

Pareho ang talent fee nina Pops at Martin at si Pops din ang line produ­cer ng concert. Wala silang guest kundi ang anak nilang si Ro­bin Nievera na ilo-launch ang singing ca­reer sa concert. Si Jo­mari na ang nag­sabing magaling si Robin at ang description niya rito’y “he sounds like John Meyer and looks like Eddie Fer­nan­dez (his grand­father).”

Nangako si Jomari ng isang spectacular con­cert. Sabi nito: “May cer­tain budget na kami at baka ito ang pinaka­mahal na local concert na mapapanood, three times bigger sa Divas 4 Divas.

“We want to occupy the space na iniwan ng MaxiMedia sa concert scene. I wanna be re­mem­bered as the pro­ducer who gave the au­dience the best con­cert of Pops and Martin.”

Si Pops ang kumum­binse kay Martin na tang­gapin ang offer ng Fear­less Productions at nag-usap na rin sila ni Martin at Inglesan nga raw sila nang Inglesan. Fan si Jomari nina Pops at Martin and up to now, Concert King pa rin ang tawag niya sa ex-hus­band ng girlfriend.

Mamahalin ng mga fans ang Fearless Pro­ductions kung matuloy ang balak nilang dalhin dito si Madonna at ang U2. Kaya ng budget nila ang talent fee ng dalawa at venue lang ang problema at kailangang gawin sa malaking venue para mas marami ang manood at ma­kabawi sila.

* * *

Inangat ng ABS-CBN ang level ni Shaina Mag­dayao sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Dra­gonna, hindi na lang siya leading lady, title-roler na siya sa seryeng magpa-pilot sa December 13. May kaba si Shai­na, kaya panay ang request sa press na tulungan siyang i-promote ang series.

Hindi lang ang husay sa acting ang ipama­malas ni Shaina rito, pati na ang ka­seksihan at ang kanyang 34-26-37 vital stats. Kita ang cleavage at hita niya sa kanyang costume at pinataasan pa raw niya ang neckline ng cos­tu­me at pina­habaan ang hemline. Nagamit din niya rito ang kaala­man sa wu­shu.

Sa iba pang isyu, sinagot ni Shaina ang tsikang paghihiwalay ng mga ma­gulang. Wika nito: “Hindi lang kami ang pamilyang gano’n and unfortunately, ’di na namin kasama sa ba­hay ang mom ko. Anu­man ang problema nila ng dad ko, ’di kami ka­sa­mang mga anak, pero may commu­nica­tion pa rin kami ng mom ko.”

Inamin din nitong for some months now, ex­clusively dating sila ni John Prats at sa ta­nong kung ano ang comment ng actor sa sexy costume niya, sa pilot ng Dragon­na na ending ng Tiny Tony ito magko-com­ment.

ANG FEARLESS PRO

ARANETA COLISEUM

CONCERT KING

EDDIE FER

FEARLESS PRO

INGLESAN

JOHN MEYER

JOHN PRATS

JOMARI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with