^

PSN Showbiz

Mark Herras gustong makahabol sa burol

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hanggang Tuesday evening lang ang burol ni Marky Cielo rito dahil Miyerkules ng umaga, dadalhin na siya sa Mt. Province. Hin­di na sa St. Peter Memorial Chapel sa Antipolo City ang kan­yang burol kundi sa bahay nila sa Sta. Isabel, Mission Hills, An­tipolo.

Agad nagpuntahan ang mga kaibigan ng aktor sa kanyang burol lalo na ang mga taga-StarStruck kahit na hindi niya mga ka-batch. Iyak daw nang iyak si Mark Herras na nasa Dubai nga­yon nang mabalitaan ang nangyari sa grand winner ng StarStruck 3, hindi ito makakauwi agad dahil nagpunta roon para sa GMA Pinoy TV kasama si Jennylyn Mercado. Umaasa si Mark na makakaabot pa sa burol ni Marky.

* * *

Second presscon ngayon ng Magkaibigan at darating si direk Joey Reyes. Mapilit kaya siya ng press na pangalanan ang da­lawang batang direktor na siniraan daw siya kay Sen. Jinggoy Estrada?

Pinanood kasi ng senador sa Roadrunner ang trailer ng movie na entry ng Maverick Films sa Metro Manila Film Festival at nagkataong naro’n din ang mga direktor.

Kung anu-anong negative comments ang pinakawalan ng dala­wa sa pelikula at nakinig lang ang senador. Hindi akalain ng two directors na may mga kaibigan si direk Joey na nakarinig sa kanilang mga sinasabi at sila ang nagparating sa director noon. Ang ikinasama ng loob ni direk Joey, kino-consider niyang mga kaibigan ang dalawang direktor at hindi niya ma-take na sila pa ang maninira sa kanya.

Nabanggit pala ni direk Joey na ang Magkaibigan ay pelikulang tribute to friendship and tribute to love at nilinaw na hindi The Rudy Fernandez Story ang pelikula.

“This is not about his life but it’s a tribute and celebration of the friendship of Jinggoy and Daboy,” wika ni direk Joey.

* * *

Nag-email sa amin ang mga fans ni Marian Rivera para ibalitang successful ang Let’s Celebrate dance concert ng actress at ni Dingdong Dantes sa Los Angeles. Pinuri ng mga fans ang actress dahil kahit kitang nahirapan sa naka-cast na kanang paa, ginawa pa rin ang lahat para mapasaya ang mga nagbayad na fans at ang iba’y galing pa sa ibang parte ng California.

Na-appreciate rin ng mga fans ni Marian ang pag-alalay ni Dingdong sa kanilang idolo. Hindi raw pinabayaan ng actor ang ka-loveteam niya. Kundi nabago ang plano, bukas na ang balik ni Marian at trabaho agad ang aatupagin at kasama rito ang pagpo-promote ng Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X.

Lumabas na ang print ad ng dalawang pelikula at sa Desperadas 2, magkakasama sila nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza Calzado at solo si Ogie Alcasid sa isa. Sa SR&RX, ang pangalan niya ang may “and.”

* * *

Sa Luna Mystika, sinabihan ni Celestina (Heart Evan­gelista) ang kakambal na si Luna na wala na silang pakia­laman sa isa’t isa. Makikitang tumatakbo si Diana (Rita Avila) dahil hinahabol ng masamang engkanto at mawi-witness ito ni Piryang (Mosang).

Malalaman naman ni Luna na buhay pa ang ina, kaya pu­puntahan niya ito sa burol. Mag-aanyong tao si Kamilo (Mark Herras) dahil sa isang misyon. Magkikita sila ni Celestina kaya makikita nito ang transformation ni Celestina.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

DESPERADAS

DINGDONG DANTES

HANGGANG TUESDAY

HEART EVAN

IZA CALZADO

JENNYLYN MERCADO

MARK HERRAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with