Shaina mahihirapang magpatawa
Lumaki sa harap ng publiko si Shaina Magdayao. Nasubaybayan ng tao ang kanyang pagsisimula sa mga sweet roles hanggang sa mag-evolve siya bilang isang mature actor. Sa kanyang bagong series sa ABS-CBN, ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Dragonna, mga bagong hamon at pagsubok ang kanyang pagdadaanan at mararanasan.
Katambal si Jake Cuenca, bibigyang buhay ni Shaina ang karakter ni Olive, isang matapang na babae na medyo boyish dahil lumaki sa piling ng tatlong bumbero na nakapulot lang sa kanya.
Ang paghahanda ni Shaina ay hindi lang para sa kanyang pagiging superhero, pati ang kanyang pagsabak sa pagpapatawa ay kanyang pinaghahandaan dahil malaking aspeto ng Dragonna ang comedy.
“Pinaka-worry ko is yung comedy. Sabi ko nga paiyakin n’yo na lang ako kasi para sa akin mas madaling umiyak. Pero nung sinabi sa akin na makakasama ko sina Kuya Bayani (Agbayani) at Kuya Long (Mejia) natuwa na ako. Magiging magaan silang kaeksena kasi beterano na sila sa comedy.
Sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos, makakasama rin ni Shaina ang ilan sa mga talented at magagaling na artista sa industriya tulad nina Alessandra de Rossi, Arnold Reyes at Eda Nolan.
Antabayanan ang new look ni Shaina sa kanyang bagong serye.
* * *
Isa pa rin sa maituturing na pinakamalaking pangyayari sa mundo ng musika rito sa Pilipinas ang nakaraang NU 107 Rock Awards 2008.
Pinangunahan ng mga hosts na sina Jett Pangan ng The Dawn at NU 107 rock chick na si Dylan ang malaking event, with performances from Rico Blanco, Markus Highway, The Dawn, Greyhoundz, Urbandub, Radio Active Sago Project, Pupil, Razorback, Sandwich at Bamboo.
Ilan sa mga nanalo ay sina Out of the Body Special para sa Best New Artist Award, Urbandub para sa Listeners’ Choice Award, at Sandwich para sa Best New Live Act Award. Ang Betamax ng Sandwich ang napiling 2008 Song of the Year at napunta naman sa Pupil ang Album of the Year, Best Music Video at Artist of the Year awards.
* * *
Inilabas na ng Star Home Video worldwide ang unang tatlong DVD ng pinakamagagandang laban sa PBA games. Ito ang Barangay Ginebra Kings vs. Air 21 Express, Sta. Lucia Realtors vs. Tender Juicy Purefoods Giants at ang Ginebra vs. San Miguel Beer.
* * *
Pagkatapos niyang umawit ng mga theme songs ng dalawang foreign animated movies, isang local movie theme song naman ang kakantahin ni Lea Salonga, ito ang theme song ng Dayo, sa Mundo ng Elementalia, isang animated film na kasali sa MMFFP 2008.
Ang Dayo ay tungkol sa isang batang lalaki (Buboy) na tatangkaing sagipin ang kanyang lolo’t lola na kinidnap ng mga engkanto at dinala sa Elementalia. Tutulungan siya ng mga mythical creatures mula sa Elementalia para mabawi sila.
Tinanggap ni Lea ang offer ng Dayo dahil gusto niyang maging bahagi ng isang all-Filipino, all-original production na alam niyang maipagmamalaki niya.
Ang theme song na pinamagatang Lipad ay komposisyon nina Jessie Lasaten at Temi Abad, Jr. and recorded with the FILharmoniKA, conducted by Gerard Salonga. Ang producer nito ay Cutting Edge Production.
- Latest