^

PSN Showbiz

Kaso ng katiwala ni Nida Blanca ibinasura

-

Ibinasura kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban kay Elena dela Paz na naunang isinangkot bilang accomplice sa pagpatay sa aktres na si Nida Blanca.

Si Dela Paz na dating katiwala sa bahay ni Nida ang itinuro ng isa sa mga testigo sa kri­men na kasama umano ng mga suspek sa pagpatay sa aktres.

Sa labing dalawang pahinang resolusyon na inaprubahan ni Justice Secretary Raul Gon­­zalez, pinagbigyan ng DOJ ang petition for review na inihain ni Dela Paz kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya.

Sinabi ng DOJ na may sapat na basehan para paniwalaan ang pahayag ni Dela Paz na inosente siya kaugnay sa pagpatay sa ak­tres noong November 6, 2001.

Nilinaw pa ni Gonzalez na hindi nila maa­aring pagbatayan ang isang espeku­lasyon na dahil nakita si Dela Paz ng isa pang testigo na si Ranny Francisco na huling ka­sama ng biktima bago pinatay ay may kina­la­man na ito sa krimen.

Iginiit pa ng DOJ na ang salaysay ng star witness na si Andrada Dalandas na hindi nito nakita si Dela Paz na kasama ang biktima bago at pagkatapos ng krimen.

Kasabay nito, inalis na sa DOJ witness pro­tection security and benefit program si Francisco.

Samantala, napaiyak naman sa ka­gala­kan si Dela Paz sa pagkakaabsuwelto niya sa nasabing kaso dahil naapektuhan na rin umano ang kanyang kalusugan sa tuwing iniisip umano niya ang kanyang kaso.

Idadalangin na lamang umano ni Dela Paz na malutas na ang kaso ng pinaslang na bete­ranang aktres.

Nagpasalamat naman ang anak ni Nida na si Kaye Torres kay Gonzalez dahil ipina­walang sala nito ang matagal nilang katiwala dahil alam umano nito sa kanyang puso na wala itong kinalaman sa nasabing kaso.             (GEMMA AMARGO-GARCIA)

ANDRADA DALANDAS

DELA

DELA PAZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY

KAYE TORRES

PAZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with