^

PSN Showbiz

Sino ang susunod kay Phoemela sa Pinoy Fear Factor?

-

Hindi lang takot kundi pagod, sakit at lamig ang haharapin ng mga name­meligrong sina Jommy, Jose at LJ ngayong gabi, sa huling hamon ng cuarta ronda de eliminacion  ng Pinoy Fear Factor: Argentina, South America. 

Sa oras na 3:00 am at sa lamig na dalawang degrees, diretso sa Campo El Mayo ang mga participante mula sa paglilipat ng ipis para sa stunt na Pagkaladkad sa Konkreto, kung saan nakadapang hihilahin ng rumaragasang kotse ang bawat participante at idadaan sa mga pasabog hanggang bumitaw sila upang tumigil sa fear factor logo.

Ang participanteng pinakamalayo sa logo ang siyang magiging ikaapat na eliminado kasunod nina model-TV host Phoemela Baranda, basketball hunk Ram Sagad at sexy model Gail Nicolas.  

Maituturing man na beterano ng ikatlong hamon ang “pump squad” members na si Jommy at Jose,  bugbog naman ang mga katawan nila sa walang humpay na aksyon sa loob ng mahigit tatlong linggo nila sa Pinoy Fear Factor.

Si Jose, na binansagang Tuklaw ng host na si Ryan Agoncillo, ay nagpa­pagaling pa rin ng sugat matapos kagatin ng ahas sa tagiliran noong isang linggo.

Unang beses naman ni LJ sumabak sa huling hamon at doble ang kanyang kaba dahil dalawang pump squad ang nais patumbahin siya tulad ni Phem.

Determinado naman si Jommy na itigil na ang kaniyang bad habit na pamemeligro.

Sino sa tatlo ang may natitira pang lakas, tapang at buenos suerte para makapasok pa sa quinta ronda de eliminacion kasama nina Marion, Savanah, Janna, Manuel, Elmer at RJ?

Karangalan at tsansang manalo ng P2 million cash prize, bahay at lupa at titulong El Ultimo Participante  ang paglalabanan ngayong gabi sa PFF tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN, pagkatapos ng Eva Fonda. 

CAMPO EL MAYO

EL ULTIMO PARTICIPANTE

EVA FONDA

GAIL NICOLAS

JOMMY

PHOEMELA BARANDA

PINOY FEAR FACTOR

RAM SAGAD

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with