^

PSN Showbiz

Dingdong No. 3 sa Sexiest Men

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, nagkita pala sa international airport ng Los Angeles sina Annabelle Rama at Wilma Gal­vante, ang bossing ng GMA 7 na inaway-away noon ni Bisaya.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanilang pagkikita dahil sa magic ng texting. In fairness, natuwa ang mga saksi sa kanilang pag-uusap dahil nagkabati na sila, pagkatapos nilang magkaroon ng tampuhan.

Saksi si Mother Lily Monteverde sa hindi sinasad­yang pagtatagpo nina Bisaya at Wilma. Fresh na fresh ang balita na kahapon lamang nangyari.

Knowing Annabelle, natuwa ito dahil nabawasan na ang kanyang mga kaimbyernahan. Nang magka­roon ng operasyon si Bisaya, nag-promise ito na baba­tiin na niya ang mga tao na kanyang inaway.

* * *

Number 3 at hindi raw number 6 si Dingdong Dan­­tes sa listahan ng Sexiest Men ng E!

Malalaman natin bukas ang the truth and nothing but dahil ngayong hapon ibibigay ng E! staff ang award kay Dingdong.

Isasabay ang pagbibigay ng award sa dance concert nina Dingdong at Marian Rivera sa Shrine Auditorium.

Ang tsismis, magkakaroon muna ng red car­pet atsutsutsu bago mag-umpisa ang show.

Ipagkakaloob ng staff ng E! ang special award sa red carpet program. O di ba, very Hollywood ang inihanda ng E! people para kay Dingdong? 

* * *

Nag-melancholia ako nang makita ko ang mga litrato nina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez na kuha mula sa Visionary Awards ni Ramil Gonzales.

Na-feel ko ang lungkot dahil ngayon ko lang nakita ang mga litrato nina LT at Rudy. Mga never before seen photos noong nabubuhay si Daboy.

Mga litrato na hindi pa napa-publish pero ipinadala sa akin ni Ramil. Bago pa lang ang friendship nina Rudy at Ramil pero puring-puri nito  si Daboy.  Hindi raw niya akalain na humble at mabuting tao si Rudy.

Sa maigsing panahon ng kanilang pagkakakilala, puro good words ang sinasabi ni Ramil tungkol kay Rudy.

* * *

May-I-go home sa Pilipinas sa April 2009 ang mag-dyowang Raymond Bagatsing at Cora Pastrana.

Nag-promise daw ang dalawa na aapir sa TV para ikuwento ang kanilang pambihirang love story. Ang tanong, may interesado pa ba na malaman ang love story nila kung sa  April pa sila magsasalita? By that time, natabunan na ng mas malaking eskandalo ang kuwento ng pagpapakasal ni Raymond sa isang babae na puwede nang mapagkamalan na tita niya. Tita raw o!

Hindi makapaniwala ang friends nina Raymond at Cora na magkakagustuhan sila. Ganyan talaga ang buhay. Maraming bagay na mahirap ipaliwanag, lalo na sa dako pa roon.

ANNABELLE RAMA

BISAYA

CORA PASTRANA

DABOY

DINGDONG DAN

KNOWING ANNABELLE

LILY MONTEVERDE

RAMIL

RUDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with