KC ka-join sa HK ang Korean superstar
Sa cast ng Desperadas 2, si Ogie Alcasid na lang ang masaya ang lovelife at ang mga girls, pare-parehong zero ang lovelife. Nakipag-break si Marian Rivera sa boyfriend niyang si Ervic Vijandre, break na rin si Rufa Mae Quinto kay Bobby Lopez, matagal nang hiwalay si Ruffa Gutierrez kay Yilmaz Bektas at break na rin daw sina Iza Calzado at ang US-based boyfriend nitong si Jerry Garcia.
Ang break-up yata ang rason kung bakit hindi na matutuloy magbakasyon sa Amerika si Iza dahil nang tanungin namin ito sa presscon ng Desperadas 2, hindi na raw siya tuloy at mag-i-stay na lang siya to promote the movie. Hindi makuwento si Iza when it comes to her lovelife, mahihirapan ang press na alamin sa kanya kung anong naging problema nilang dalawa.
Pinangakuan si Iza ng Regal na hindi madedehado sa billing ng Desperadas 2 at ang alam nito’y susundin ang billing sa unang pelikula na sunod ang name niya kina Ruffa Gutierrez at Rufa Mae Quinto. Wala rin siyang reklamo na ang name ni Ogie ang nilagyan ng ‘and.’
Ang importante kay Iza, nag-enjoy at masaya sila sa shooting dahil mas nakapag-bonding sila at nagkaroon ng chance na magkuwentuhan. Si Ogie raw ang entertainer nila sa rami nang nakakatawang kuwento. Matutuwa raw siya kung ito ang mananalong best ‘actress’ sa awards night ng Metro Manila Film Festival sa December 27.
* * *
May update kami sa pagdalo ni KC Concepcion sa Clinton Global Initiative in Asia na ginawa sa Hong Kong at nagtapos kahapon. Na-feature si KC sa CNN CNBC at kundi kagabi ay this morning ’yon ipalalabas. Nakasama rin niya sa stage at sa pagharap kay former US President Bill Clinton ang Korean superstar na si Jang Dong-gun.
Sa isa pa nitong text message sa manager niyang si Shirley Kuan, ibinalita ni KC na na-meet din niya sina Michelle Yeoh, ang Malaysian actress na sikat sa US at Chinese actors Jet Li and Karen Mok, plus ilang corporate/philanthropic and media leaders.
Part of her message reads: “Pls. pray for me and the rest of the UN World Food Programme team, we are at the CGI in HK, and we are pledging our commitment (along with fellow ambassador Jang Dong-gun) with former Pres. Clinton today (yesterday). We have attended a total of 8 sessions and discussions in the last 2 days. What an honor and experience.”
Si Jang Dong-gun ang lead actor sa All About Eve na ipinalabas sa GMA 7 at gagawin ng network ang Pinoy adaptation. Mabuti pa si KC, nakita’t nakasama niya ang guwapong actor-musician.
* * *
Sina K Brosas at Empoy ang hosts sa Christmas party for the press ng ABS-CBN at pinatawa ng una ang press sa kanyang mga side comments. May mga games at kantahan siyempre sa party at may costume contest pa rin na pinanalunan ni Rey Pumaloy bilang si Marina.
In between hosting, inalam namin kay K kung totoo ang balitang babalik na siya sa GMA 7? Tinanong daw ang manager niyang si Boy Abunda tungkol dito, pero hindi malinaw ang sagot kaya ang feeling nang nagtanong, may katotohanan ang isyu.
Pero itinanggi ito ni K dahil may bago siyang show sa ABS-CBN. Papasok siya sa Book 2 ng I Love Betty La Fea at sa January na siya magsisimulang mag-taping at February lalabas ang kanyang character na hindi pa niya alam. Hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang balita but as far as she is concerned, mananatili siya sa Channel 2. (Nitz Miralles)
- Latest