^

PSN Showbiz

Hollywood stars dadagsa sa laban ni Pacman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bongga ang early Christmas party kahapon ni Dra. Vicki Belo para sa entertainment press. Walang umuwing luhaan dahil hindi basta-basta ang raffle prizes. Na-miss lang ng mga reporter si Mama Vicki dahil missing in action siya at ang love of his life na si Hayden Kho.

Nagbabakasyon pa sa Amerika ang magdyowa at panonoorin nila ang laban nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya. Babalik sila ng Pilipinas pagkatapos ng boxing atsutsutsu nina Oscar at Manny.

Magkikita sa  Las Vegas sina Mama Vicki at Dingdong Dantes. Manonood din  ng boxing si Dingdong na endorser din ng Belo Medical Group. Malamang na mag-dinner sila doon dahil good host si Mama Vicki, kesehodang nasa ibang bansa siya.     

* * *

Excited na ako sa nalalapit na laban nina Manny at Oscar. Siyempre, gusto ko na mag-win si Manny dahil kababayan natin siya. Actually, si Manny din ang type ng mga Mexicano na manalo. Hindi raw nila itinu­turing na Mexicano si Oscar dahil masyado na itong Americanized.

Ang balita ko, maraming Hollywood star ang pupunta sa Las Vegas para manood ng Pacquiao-Dela Hoya fight. Ganyan kasikat sa Amerika ang laban nina Manny at Oscar.

* * *

Unang araw pa lang ng December, hectic agad ang schedule ko. May early Christmas party ang MyDSL at birthday party ni Dolor Guevarra sa Vera-Perez Garden.

As usual, masasarap ang mga lapang sa party ni Dolor. Hindi talaga ako nagpaawat sa pagkain. Naloka lang ako dahil nakunan ng litrato ang pagkuha ko ng pagkain sa buffet table. May ebidensya tuloy na malakas akong kumain. Mabuti na lang, natakpan ng red roses ang pinggan na bitbit ko. Happy birthday Dolor!!!

vuukle comment

AMERIKA

BELO MEDICAL GROUP

DINGDONG DANTES

DOLOR GUEVARRA

HAYDEN KHO

LAS VEGAS

MAMA VICKI

MEXICANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with